Blog

Top 3 Mainstream Blockchain Ng Mga Dapps

Tara at ating alamin kung ano na nga ba ang lagay ng iba’t-ibang blockchain na nag-hohost ng iba’t-ibang mga Dapps.

Top 3 Mainstream Blockchain Ng Mga Dapps


 

Noong August 27 ng aming mai-release ang article tungkol sa Top 5 Ethereum Dapps sa blockchain ng Ethereum ngayong taong 2019.

 

Sa mga datos at report nga na aming nakalap ay ating nakita kung saan na nga ba papunta ang trend nitong nasabing mga blockchain-based na mga laro o mas kilala sa tawag na Dapps.

 

Ngunit sa di kalaunan ay inihayag din sa blog ang nangyaring problema sa blockchain ng Ethereum noong taong 2017.

 

Kung saan ay bilyon-bilyong request na ang na-pending sa blockchain ng Ethereum na vine-verify ng mga miners ng nasabing blockchain.

 

(Makikita ang datos sa picture sa ibaba)

 

 

Naging dahilan ito upang mas maging mahal pa ang transaction fee ng isang manlalaro kesa sa bibilhin nitong asset sa laro.

 

Kaya naman ay nagkaroon ng growth sa ibang blockchain katulad na lamang ng TRON at EOS na isa sa mga tatalakayin natin sa artikulong ito at kung ano ang benepisyo ng kanilang blockchain kumpara sa nakasanayang Ethereum.

 

DATOS NG MGA BLOCKCHAIN

 

 

Tignan ang datos na makikita sa website na DappRadar sa ibaba:

 

BASED SA DAMI NG USERS (24HR)

 

 

Ito ang Top 10 sa lahat ng blockchain kung ang pagbabasihan ay dami ng users sa mga nasabing Dapps.

 

Anim (6) sa Top 10 ay pasok sa blockchain ng EOS at tig-dalawa (2) naman ang meron sa TRON at Ethereum.

 

BASED SA VOLUME NG TRANSACTION (24HR)

 

 

Sa datos naman tungkol sa volume ng transactions na nangyayari sa applications ay pinangunahan ito ng Nest, isang desentralisadong application na nagbibigay serbisyo pampinansiyal na under sa blockchain ng Ethereum na mayroong $5.4M o 30.7K ETH na sinundan ng bagong desentralisadong gambling Dapp ecosystem ng Tron na WINk na mayroong $5M o 337.5M TRX.

 

BASED SA INTRADAY TRANSACTION (24HR)

 

 

Pinangunahan ng Dice, isa sa pinakamalaking social gaming platform na under sa blockchain ng EOS na mayroong 530.4K na sinundan ng WINk na isa ding social gaming platform under sa blockchain ng TRON na mayroong 525.9K.

 

Ayon sa mga datos na ito ay unti-unti ng nauungusan ng TRON at EOS ang mga Dapp na mayroon sa Ethereum ngunit kung ibabase padin ito sa fundamentals tulad ng mga proyekto sa blockchain ay napakaraming proyekto na makakatulong ngayon na maging scalable ang blockchain ng Ethereum at maari pang maging daan mas maging flexible ang Ethereum sa mga susunod nitong yugto sa mundo ng crypto at blockchain.

 

DAPPS TREND

 

 

Sa pangkalahatan ay lagpas 90% padin ang market share ng tatlong (3) mainstream na blockchain (Ethereum, TRON, EOS).


Ayon nga sa market report na inilabas ng Dapp Review, karamihan ng Dapp na ginagawa ay nasa high-risk category o yung mga nasa gambling o casino.

 

 

Bukod sa madali lang itong gawain at mai-market ay napakalaki din ng potential na pwedeng kitain ng mga developers dito.

 

Sa usapang laro ay maraming mga Dapp ang mayroong magagandang quality ng laro ngunit pagdating user-interface ay mas mababa padin sa good ang mga rating nito kaya’t kokonti lamang naglalaro.

 

ETHEREUM

 

 

Taong 2015 ng mai-propose ng isang Russian-Canadian programmer na si Vitalik Buterin na co-founder din ng isang sikat ng crypto publication na magazine na Bitcoin Magazine kasama ang isang world-class na team sa likod nito.


Kahit na mayroong problema ang Ethereum ngayon sa pagpapaunlad ng transactions per second nito ay masasabi padin natin na ito ang Top 1 dahil sa aktibo at world-class na team sa likod nito na siyang naging dahilan kahit nagkaroon ito ng major fork noong taong 2016, ay tumakbo padin ito ng maayos dahil malulupit ang mga lider sa likod ng proyektong ito.

 

UPDATE SA ETHEREUM

 

August 19 nang ihayag ni Vitalik Buterin na puno na ang blockchain ng Ethereum at kanya pa nga itong idinetalye sa interview sa The Star.

 

Scalability is a big bottleneck because the Ethereum blockchain is almost full. If you’re a bigger organization, the calculus is that if we join, it will not only be more full but we will be competing with everyone for transaction space. It’s already expensive and it will be even five times more expensive because of us. There is pressure keeping people from joining.”

 

Nakakabilib nga ang transparency na meron itong si Vitalik Buterin, ngunit ito ang dahilan kung bakit solid ang foundation willing mag-contribute ang lahat ng mga developers na parte ng kanilang alyansa upang ma-develop ng mas maayos ang blockchain ng Ethereum.

 

Q2 2019 - MARKET SUMMARY

 

 

Total Dapps: 1,633

Active Dapps: 664

New Dapps: 264

Active Users: 365,112

New Users: 277,554

Transactions: 6.04M

Volume (in ETH): 2.88M ETH

Volume (in USD): $621.98M

 

TRON

 

 

Ang TRON ay binuo ni Justin Sun na isang Chinese tech entrepreneur na founder at dating CEO ng social mobile app na Peiwo na mayroong 10 million global registered users.

 

Si Justin Sun ay kabilang din sa unang batch ng mga studyante na pinag-aral ni Jack Ma sa Hupan University at ang natatanging millenial sa unang batch na iyon.

 

(Jack Ma - kaliwa; Justin Sun - kanan)

 

 

Ini-aim ng TRON Foundation na maging desentralisado ang paggamit ng internet sa buong mundo.

 

LUMALAGONG USERS

 

Makikita sa 2nd quarter report na ini-release ng Dapp Review na sobrang laki ng naging growth ng TRON blockchain nitong nagdaang mga buwan at naungusan na nga nito ang Ethereum pagdating sa active users at volume ng transactions sa blockchain nito.

 

Malaking factor dito ang mas malaking capacity ng blockchain ng TRON sa mga transactions at mas mababang transaction fee.


Base sa Top 10 dapps na ipinakita ko sa inyo kanina ay makikita na pagdating sa users at volume ng transaction ay hindi natibag ang tibay ng bagong social gaming dapp ng TRON na WINk at malaking achievement ito dahil sa incentive structure na meron ang WINk ay talaga namang nagdagsaan ang mga users dahil nadin sa returns na ibinibigay ng dapp sa kanila.

 

UPDATE SA TRON

 

Sobrang sulit para sa mga TRON holders ang taon na ito dahil bukod sa Bittorrent (BTT) Airdrop nila ay nagkaroon pa ulit ng panibagong airdrop ang TRON nitong August.

 

Kung ikaw ay mayroong TRON ay makakatanggap ka ng airdrop mula sa iba’t-ibang exchange na kapartner ng TRON tulad nalang ng Binance.

 

Tatlong taon ang magiging programa nilang ito na magre-release sila ng halos 4% ng total na supply ng WINk sa Binance upang maipamigay sa mga taong nagho-hold nito sa Binance.

 

Kung ikaw nga ay isang TRON holder ay siguradong abot tenga ang iyong ngiti sa nasabing airdrop na ito.

 

Idagdag mo pa na pepwede mong mai-trade ang WINk sa mismong Binance at maipalit sa ibang cryptocurrency.

 

Q2 2019 - MARKET SUMMARY

 

 

Total Dapps: 412

Active Dapps: 338

New Dapps: 132

Active Users: 445,054

New Users: 310,503

Transactions: 89.58M

Volume (in TRX): 39.72B TRX

Volume (in USD): $1.13B

 

EOS

 

 

Ang EOS ay may hawak hanggang sa ngayon may pinakamalaking pondong nakalap mula sa ICO na tumotal ng 7.12 milyon Ether o halos $4.1B.

 

Ang founder ng EOS protocol ay sina Brendan Blumer at Daniel Larimer, na nagkita lamang noong taong 2016.

 

Binuo ang EOS upang mapalitan ang tradisyunal na protocol na umiiral sa ating mga computer ngayon. Itinulad ang protocol ng EOS kung paano gumagana ang mga computer natin ngayon at ginawa nila itong desentralisado.

 

UPDATE SA EOS

 

Maraming nagsasabi sa risk na meron ang community o blockchain mismo ng EOS dahil nga sa ito daw ay sentralisado o peke ang pagiging desentralisado nito.


Noong June, ang AntChain.AIna  isang kumpanya na gumagamit ng mga AI-powered na mga gamit ay naglabas ng report na nagsasabing ang $6M na transaction sa blockchain ng EOS ginawa ng mga bots lamang at hindi tunay na mga tao.

 

 

Idinagdag pa nila na 51% sa bagong unique na account ay mayroon ding mga bots na binubuo ng halos 75% nito.

 

 

Isang malaking achievement ito para sa mga Dapp Reviewer at lalong-lalo na sa buong industriya ng blockchain.

 

Kung lalong mapapaganda ang mga ganitong tools na meron ang AntChain.AI, ay mas magkakaroon ng trust ang industriya ng blockchain sa buong mundo lalong-lalo na sa mga taong konti lamang ang alam dito.

 

Q2 2019 - MARKET SUMMARY

 

 

Total Dapps: 435

Active Dapps: 354

New Dapps: 56

Active Users: 276,563

New Users: 91,429

Transactions: 189.79M

Volume (in EOS): 244.05M EOS

Volume (in USD): $1.43B