Blog

Tatlong Sikat Na Ethereum Wallet Na Dapat Gamitin Sa Paglalaro Ng Mga DApps

Gusto mo ba maglaro ng mga Ethereum-based na DApps ngunit hindi alam kung ano ang dapat na gamiting wallet?

Tatlong Sikat Na Ethereum Wallet Na Dapat Gamitin Sa Paglalaro Ng Mga DApps


Isa ka ba sa mga gustong maging milyonaryo sa paglalaro ng mga online games or kahit na LAN games sa pamamagitan ng pagsali-sali sa mga tournament na may limpak limpak na papremyo?

 

Minsan ba naisip mo na malaki na ang nasasayang mong oras dito?

 

Dumaan naman siguro lahat ng gamers sa ganyang posisyon na hindi na nila alam kung nasaan na ba sila sa career nila pero wag kang mag-alala dahil ngayon sisimulan natin yan sa platform na dapat mong gamitin sa paglalaro ng mga DApps.

 

KAIBAHAN NG DAPPS SA TRADITIONAL NA MGA LARO

 

 

Unang-una ay gusto ko lang klaruhin na hindi tumbang preso o luksong tinik ang mga traditional na larong pag-uusapan natin kundi ang katulad ng mga larong PUBG, RoS, Mobile Legends, Clash of Clans at iba pa na talaga namang sumikat hindi lang sa iisang bansa kundi sa buong mundo.

 

Marami din namang advantages sa paglalaro ng mga traditional na laro pero kung ating susuriing mabuti ay kitang-kita na nasa blockchain o ang mga DApps na talaga ang future.

 

Yung dating libangan para satin ay ngayon ay talagang pinagkakakitaan na. Kadalasan pa nga ay naglalaro lang ang iilan dahil sa gusto nilang gawing career ang paglalaro kaya naman ay talagang iba na talaga ang motivation din ng mga manlalaro kung bakit nila paglalaanan ng malaking oras ang isang laro.

 

Kaya’t kung yun lang naman pala ang rason kung bakit ka naglalaro ay bakit hindi mo subukan ang mga DApps?

 

Hindi man katulad ng mga traditional laro na sobrang gaganda na ng graphics nito kaya naman ay sobrang nakakamangha ay alam naman natin kung saan ito nagsimula at ganun din ang talagang mangyayari sa mga DApps.

 

Kaya’t kung gusto mo malaman ang mas malalim na paliwanag kung bakit dapat kang maglaro ng mga DApps ay basahin lamang ang aming blog tungkol sa “Pitong Advantage Ng Paglalaro Ng DApps Ngayon” at “Ano Na Ang Susunod Para Sa Mga DApps”.

 

Ngayon ay akin ng ilalahathala ang ang tatlong sikat na Ethereum wallet na inirerekomenda kong iyong gamitin sa paglalaro ng DApps.

 

METAMASK

 

 

Isa ito sa mga sikat na in-browser at non-custodial wallet na ikaw ang may kontrol ng lahat even sa pagbabago ng GAS price ng iyong gagawing transaction at ang kagandahan pa dito ay sinusuportahan ng wallet na ito ang mga ERC-20 tokens na under sa Ethereum blockchain.

 

Para makakuha ng karagdagang impormasyon ay i-click lang ang mga link sa ibaba.

 

Website: https://metamask.io/

Twitter: https://twitter.com/metamask_io

Github: https://github.com/MetaMask/metamask-extension

 

DAPPER

 

 

Ang Dapper wallet ay nasa beta testing palang niya pero base sa inirelease na unang version ng wallet ay talaga namang nakakamangha ang smoothness na pagkakagawa dito at idagdag mo pa ang mga extraordinary features at partnerships na meron sa wallet ito gaya nalang ng free transaction costs sa mga DApps dahil sa paglalaro ng DApps kakailanganin ng isang manlalaro na magsend ng mga transaction costs para mai-record sa blockchain ang bawat aktibidad na nangyayari dito.

 

May mga exclusive airdrops din na kasama sa paggagawa ng account ng libre sa Dapper wallet at kamakailan lamang ay nag-announce ng airdrop ang isa sa mga may pinakamalaking virtual reality platform na Decentraland na may sariling token na tinatawag na “MANA”.

 

Mababa o hihigit sa 100 MANA ang sinasabing ipamimigay ng nasabing campaign para sa mga bagong users ng Dapper wallet.

 

Para makakuha ng karagdagang impormasyon ay i-click lang ang mga link sa ibaba.

 

Website: https://www.meetdapper.com/

Medium: https://medium.com/dapperlabs

Facebook: https://www.facebook.com/dapperlabs/

Twitter: https://twitter.com/hellodapper

Instagram: https://www.instagram.com/dapper_labs/

 

HB WALLET

 

 

Ngayon ay punta tayo sa isa sa mga may pinakamalupit na features pagdating sa pagiging Ethereum wallet at ngayon ay ang No. 1 wallet sa buong Japan at ito ang HB wallet.

 

Hindi ito maikukumpara sa unang wallet na unang nabanggit dahil ang HB wallet ay pepwede mo ding magamit sa iyong smartphone habang ang Metamask at Dapper ay pang-desktop o laptop browser wallet lamang.

 

Good news dahil meron ding kasamang chat functionality, exclusive airdrops at higit sa lahat ay ang HB Dex na kung saan free kang makapag-trade ng iba’t-ibang tokens kasama ang NFT marketplace na talaga namang fit na fit para sa mga DApps gamers katulad natin.

 

Posible kadin na gumawa ng iba-iba mong Ethereum accounts o wallet sa iisang app at device lamang at mag-switch dito ng paulit-ulit ng hindi nai-stress kaya’t perpektong perpekto ito kung ikaw ang klase ng player na gusto ng maramihang account para sa iba’t-ibang strategy o experiment na ginagawa sa laro upang makakuha ng iba’t-ibang resulta.

 

Ngayon ay kaka-update lamang ng HB wallet sa pinakalatest nitong version na 3.3 kaya’t kung wala ka nito ay irerekomenda ko sa iyo na ito ang iyong gamitin dahil napaka-flexible niya at kung tungkol sa seguridad ay ikaw din ang may kontrol ng iyong mga assets dahil ikaw ang may hawak ng iyong private key o secret phrase kaya’t ingatan lang ito ng mabuti.

 

Para makakuha ng karagdagang impormasyon ay i-click lang ang mga link sa ibaba.

 

Website: https://www.hb-wallet.com/

Facebook: https://www.facebook.com/HBWalletETH/

Twitter: https://twitter.com/HBWallet_Ether

Telegram: https://t.me/hb_wallet

Youtube: https://www.youtube.com/hbwallet?sub_confirmation=1

Reddit: https://www.reddit.com/r/HBwallet/