Blog

Skullys: Umangkin Ng Maraming Teritoryo At Kumita

Pinangarap mo bang maging isang mayaman na pirata someday? Maglaro na ng Skullys at tuparin ang iyong pangarap!

Skullys: Umangkin Ng Maraming Teritoryo At Kumita


Kilala mo ba ang sikat na Anime character na si Luffy ng One Piece?

 

Hindi ba’t sobrang nakakamangha ang kanyang determination na maging “King of the Pirates” at ang alaga na ibinibigay niya sa kanyang crew at ang kayamanan na kaya nitong ibigay sa buhay niya?


Isang napakagandang balita na siguradong magpapaganda ng iyong araw ay ang larong Skullys. Dahil posible ng maging makatotohanan ang nasa isip lang ni Luffy (wala ka nga lang kasamang crew) pero bukod sa pwede mo itong pagkakitaan ay meron kang tracker na magsasabi sayo kung ilan na ba ang pagmamay-ari mong lupain na dapat mong depensahan at maging isang Skullys King of the Pirates.

 

ANO BA ANG LARONG SKULLYS?

 

 

Ang Skullys ay isang blockchain-based game na pwede kang mangolekta ng iba’t-ibang skulls na may iba’t-ibang disenyo ngunit ang pinakamagandang feature ng laro ay ang tinatawag na “geo-tagging” parang isang bansa na naglalagay ng flag sa isang isla na ibig sabihin ay sayo na ito.

 

Ang pinakafocus ng laro ay ang geo-tagging na kung saan hindi lang sa isang bansa ka pwedeng makapag geo-tag ngunit sa buong mundo, mapa-Asia man ito hanggang sa rehiyon ng America at ang kagandahan pa dito ay sa bawat rehiyon na nasakop mo ay may rewards na PO8 tokens na siyang official currency ng laro na magagamit mo upang lalong lumakas at tuluyang makapanakop ng iba pang mga isla o lugar.

 

ANO ANG BENEPISYO NG PO8 TOKENS SA LARONG SKULLYS?

 

 

DISCOUNTS SA MGA NABIBILING IN-GAME ITEMS

Wag ng magpahuli dahil ngayon ay may 50% discount pa sa PO8 Tokens na mabibili direkta sa larong Skullys at syempre kung ikaw ay makakakuha ng discount ay siguradong mas maraming upgrades ang iyong pwedeng mabili na magpapalakas ng iyong Skullys.

 

NO BARRIER COMPARE SA TRADITIONAL CURRENCIES

Isa sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng sariling token kahit na wala naman itong physical form ay ang pagkawala ng barrier. Meaning hindi na kailangan pang dumaan sa maraming third-party associations bago pa man makarating ang iyong pera sa dapat nitong puntahan.

 

MABABANG VOLATILITY RATE

Dahil hindi pa laganap sa iba’t-ibang exchanges ang PO8 Tokens ay para itong stablecoins ng larong Skullys dahil baka wala o konti palang ang nagte-trade ay mas mabagal ang pagtaas at pagbaba ng presyo nito kesa kung itatambak mo ang iyong pera sa laro gamit ang Ethereum.

 

IBANG URI NG COLLECTIBLES NA MERON ANG SKULLYS

 

 

SKULLYS

Libo-libong Skullys na pwedeng mabili sa marketplace na may iba’t-ibang disenyo ng bandana na magsasabi ng rarity nito.

 

BOOSTERS

Ito ang mga gamit na pwede mong mailagay sa nabili mong Skully na magdodoble ng mapo-produce nitong PO8 Tokens sa mga lugar na iyong nasakop.

 

RANKS

Ito ay parang cheat sa laro if ikaw ay may excess na pera na pwedeng pambili ng PO8 Tokens upang mas maka-akyat sa ranking sa mas mabilis na paraan.

 

KARAGDAGANG IMPORMASYON

 

 

GEO-FLAGGING

Ito ang method kung saan pumipili ka ng lugar na mapapasaiyo upang magkaroon ng mas maraming rewards na PO8 Tokens at umangat ang ranking bilang isang manlalaro sa leaderboard.

 

GUSTO MAG-CONTRIBUTE SA SKULLY DESIGNS?

Good news dahil ang team ng Skullys ay open para sa mga katulad mo na magaling mag-design kaya’t wag na magpahuli at kontakin lang ang kanilang team kasama ng design ng skully na iyong handog - info@skully.co

 

BEST PLATFORM NA GAMITIN

Isa sa mga pinaka-mairerekomenda kong platform na magandang paglaruan ng Skullys ay ang HB Wallet na ngayon ay ang No. 1 Ethereum wallet padin sa Japan na may higit na 250K+ downloads sa buong mundo.

 

Bukod sa meron na itong chat feature ay pwede ka pang makasali sa mga airdrops na paparating at may sarili pa itong Decentralized Exchange at Marketplace na pwede pagbilhan ng iba’t-ibang NFT assets mula din sa iba pang mga laro gaya din ng Skullys.