Blog

Papaano Maleleverage Ang Crypto Gaming Sa Iyong Investments

Alamin kung papaano mo magiging leverage ang crypto games sa iyong investment portfolio.

Papaano Maleleverage Ang Crypto Gaming Sa Iyong Investments


Matuturing ang gaming industry bilang isa sa pinakaaktibo na sector ng global economy. Noong 2008 ay umabot ng $138.7 billion ang revenue nito. Gumagawa din ng mga projections ang mga tao na may association sa industriya na ito at ayon sa kanilang pagaaral ay lalo pang lalakas ng growth ng gaming. Dahil dito, masasabi natin na isa ito sa mga magagandang sector na paglagyan ng mga mga investments. 

 

Crypto Gaming

Sa ngayon ay marami na ang na introduce sa konsepto ng cryptocurrency subalit mayroon pa ding mga tao na hindi ito lubos na naiintihan. Kadalasan sa kanila ay nakikita lang ang cryptocurrency bilang isang alternative sa mga fiat currency. 

 

Sa katotohanan ay maraming aspeto ang cryptocurrency. Masyadong malawak ang blockchain technology para ilimit lang ito sa isang kagamitan. 

 

Isa sa mga bunga ng cryptocurrency ay ang crypto gaming. Ang ganitong klase ng gaming ay decentralized at bukod sa lahat ay pwedeng pagkakitaan. 

 

Sa crypto gaming, kailangan mong magpasok ng pera sa iyong gaming account at kapag naging successful ka ay pwede mong mas mapalawak ang value ng iyong pera. 

 

Ang mga developers ngayon ay gumagawa ng mga in-game currencies na siytang ginagamit ng mga players para makapapurchase at makipaginteract sa loob ng game. Kapag ikaw ay naging matagumpay sa game ay marerewardan ka din gamit ang mga in-game currencies na ito at ang kagandahan pa dito ay pwede mong i-convert sa cryptocurrency ang mga ito. 

 

Mga Panibagong Integration Ng Cryptocurrencies Sa Gaming

Papaano nga ba nagwowork ang cryptocurrencies sa gaming platform? Importante na malaman mo ito upang ikaw ay magkaroon ng leverage sa pagiinvest sa ganitong market. 

 

Tokenization Ng Gaming Assets

Kung ikaw ay nakapaglaro na ng video games, tiyak na alam mo na kung ano ang in-game currencies. Ito ay ang mga unique na pera na ginagamit kapag ikaw ay naglalaro. Ang mga ito ay hindi nagrerepresent ng tunay na currency. Sadyang ito lamang ang ginagamit para ikaw ay makapaginteract sa kung ano anong aspeto ng laro. Isa sa mga halimabawa nito ang gold o di kaya ay gems. Maari mong i-upgrade ang iyong game gamit ang mga in-game currency na ito ay kapag naman ikaw ay nanalo sa game makakapanalo ka din ng rewards gamit ang mga ito. 

 

Pwede din magamit ang in-game currency para makabili ng weapons at iba pang virtual items na maari mong magamit habang ikaw ay naglalaro. 

 

Sa tradisyunal na aspeto ng in-game currencies, maari mo lang ito magamit habang nilalaro mo ang game. Subalit sa panibagong proyekto ng mga developers pwede mo din ito pakinabangan sa real word sapagkat ang mga panibagong in-game currencies na mga ito ay pwede ding i-convert sa cryptocurrency. 

 

Cryptocurrency Rewards

Maraming laro kung saan kapag ikaw ay nanalo ay mabibigyan ka ng rewards sa pamamagitan ng in-game currencies. Subalit sa crypto gaming madami ka din mahahanap na laro kung saan actual na cryptocurrency ang iyong mapapanalunan. 

 

Mas maganda ito sapagkat hindi mo nakinakailangan magbayad ng gas fee para maconvert sa Ethereum ang mga in-game currency na iyong napanalunan. 

 

Bukod pa rito ay pwede mo din i-trade ang iyong mga cryptocurrency. Dahil dito ay madami na din ang nagttrade o di kaya ay nagbebenta ng mga in-game items kapalit ang cryptocurrency. 

 

Sa crypto gaming, habang tumataas ang level ng isang character o habang lumalakas ang kapasidad ng isang item, mas lalo din tumataas ang value nito. Dahil dito ay pwede ka kumita ng malaking pera sa pamamagitan ng pagbenta nito sa ibang players. 

 

Kapag naging popular ang isang crypto gaming na gumagamit ng isang partikular na cryptocurrency, mas tataas din ang value nito sa overall market. Dahil dito, mahalaga na pagaralan ang cryptocurrency na nais mong paginvestan ng pera. 

 

Narito ang kalamitan ng mga cryptocurrency na ginagamit sa crypto gaming:

 

Enjin Coin

Ang Enjin ang pinakamalawak na online gaming community. Ito ang kapangyarihan na siyang naging dahilan kung papaano nabuo ang Enjin Coin. 

 

Ang mga laro tulad ng ReBounce, Forest Knight, Bitcoin Hodler, Age of Rust at 9 Lives Arena ay isa sa mga games na nabuo gamit ang cryptocurrency na ito. 

 

TRON

Isa itong popular na gaming digital currency na ginagamit sa madaming multiplayer DApps. Ang mga laro na gumagamit ng TRON crytocurrency ay hindi maituturing na outstanding subalit mayroong isang multiplayer game na tinatawag na TRON Legend na nangangako sa mga players na mas pagbubutihin pa nila ang function ng TRON sa gaming industry. 

 

Ethereum

Ang Ethereum ay isa sa pinakapopular na cryptocurrency sa panahon ngayon. Bukod pa rito ay halos lahat ng DApps na macoconsider na maganda ang functionalities ay gawa din gamit ang Ethereum blockchain. 

 

Pwede nating sabihin na pagdating sa crypto gaming, Ethereum na ang pinakastable sa lahat. Isa din ito sa mga codes na ginagamit para mas maging convenient ang pakikipagtrade ng players ng ibang mga in-game items o di kaya ay characters.