Blog

Papaano I-modify Ang Iyong CryptantCrab

Para makarating ng malayo sa DApps game na CryptantCrab, importante ang pag level up tsaka pag modify ng iyong crabs.

Papaano I-modify Ang Iyong CryptantCrab


Ang CryptantCrab ay isa sa mga top DApps games na pwedeng laruin sa HB Wallet. Sa larong ito, pwede ka mangolekta ng mga CryptantCrab at dalhin sa mga laban ang iyong mga CryptantCrab. Bukod pa rito ay maari mo ding palakasin ang iyong mga CryptantCrab sa pamamagitan ng Xenograft at Mutation. 

Ano Ba Ang Mutation?

Meron mga pagkakataon kung saan kailangan mong i-upgrade ang isa o lahat ng parte ng iyong mga CryptantCrab, lalong-lalo kapag papasok ka na sa mga mas mataas na level na labanan. 

 

Dito sa mga sitwasyon na ito mo kakailanganin mag mutate. Lahat ng CryptantCrab ay mayroong kakayahan na magmutate pero bago ito mangyari ay kailangan meron ka munang sapat na Cryptant. 

 

Ang Cryptant ay parang in-game currency na ginagamit kapag mayroon kang CryptantCrab na gustong i-mutate. 

 

Tuwing minumutate mo ang iyong CryptantCrab ay nadadagdagan ang experience points nito. Bukod pa rito ay nadadagdagan ang chance ng iyong CryptantCrab na magkaroon ng Legendary part. Ang mga Legendary parts ay mas malakas ikumpara sa mga common na parte. 

 

Papaano Mag Mutate Ng CryptantCrab?

Pumunta ka lang sa "My Crabs" at i-click ang crab na gustong mong i-mutate. Bubukas ngayon ang isang window kung saan mo makikita ang status at condition ng iyong CryptantCrab. Dito mo rin makikita ang tools na gagamitin para makapagmutate. I-click lang ang mutate at kapag may sapat ka ng Cryptant ay mamumutate mo na ang iyong crab. 

 

Ano Naman Ang Xenograft?

Sa CryptantCrab mayroong dalawang paraan para iyong ma modify ang mga CryptantCrab. Ang pinakaunang paraan ay ang pagmutate at pangalawa naman ang Xenograft. 

 

Kung ang crab mutation ay tungkol sa pag upgrade o pagpapabago ng isang parte ng CryptantCrab, ang ibig sabihin naman ng Xenograft ay magkakaroon ng transplant ng isang parte na CryptantCrab na mapupunta sa isa pang Cryptant. 

 

Kung meron kang crab na gustong gusto mong ang parte at gusto mong mapunta pa dun sa isa mong crab, ang solusiyon dito ay ang Xenograft. 

 

Para makapagundergo ng Xenograft ang iyong crab, kailangan meron ka munang limang Cryptant. 

 

Subalit kailangan mong tandaan na iyong crab na ginamit mo para sa Xenograft ay magiging fossil na pagkatapos. 

 

Pero kahit na fossil nalang ito ay mapapakinabangan mo pa rin ito sapagkat pwede pa itong i-equip para mas mapalakas ang iyong CryptantCrab habang ito ay nasa laban. 

 

Papaano Pinapa Undergo Ng Xenograft Ang CryptantCrab

Katulad lang din ng mutation, kailangan mong pumunta sa "My Crabs"at i-click ang crab na gusto mo mag Xenograft. 

Pagkatapos ay i-click ang Xenograft. Mayroong bubukas na window kung saan pwede ka mamili ng isa pang crab na makakasali sa Xenograft. Kapag sigurado ka na ay i-click lamang ang "perform".

 

At iyon ang mga paraan para ma modify mo ang iyong CryptantCrab. 

 

Para sa mas madali at convenient na paraan ng paglalaro, pwede mong i-download ang HB Wallet. Available ito sa Windows at iOS. 

 

Ang HB Wallet ay isang multiplatform Ethereum wallet kung saan pwede kang makapagsend at mag receive ng Ethereum-based digital assets tulad ng ETH, ERC-721, at ERC-20. 

 

Bukod pa rito ay pwede ka ding maglaro ng mga DApps games na tulad ng CryptantCrab. Dahil ang HB Wallet ay isang Ethereum wallet, ang mga ETH na mapapanalunan mo sa mga DApps game ay pwede mo nang i-deretsong i-transfer sa wallet mo.