Blog

Pagbili Ng Cryptocurrency Gamit Ang HB Wallet Maari Na!

Alamin kung paano makabibili ng Bitcoin, Ethereum, at Ripple gamit ang HB Wallet Version 3.3.

Pagbili Ng Cryptocurrency Gamit Ang HB Wallet Maari Na!


May iba’t-ibang paraan ng pagbili ng cryptocurrency sa ngayon. Ngunit, hindi lahat ay convenient. 

Paano kung sabihin ko sa’yo na maari ka nang bumili ng cryptocurrency gamit ang mismong wallet mo?

Tama ang narinig mo! Sa HB Wallet maari ka nang makabili ng crypto nang hindi na pumupunta pa sa iba’t-ibang exchange websites. 

Hindi na mahaba ang proseso kaya’t makatitipid ka sa oras. Kahit nasaan ka man, kumakain, naglalakad o simpleng nasa bahay lang, madali at mabilis ka nang makabibili.

 

HB Wallet 

 

 

Ang HB Wallet ay isang uri ng digital wallet kung saan maari mong itago ang iyong cryptocurrencies. 

Ito ay isa sa mga pinaka-innovative na wallet sa buong mundo ngayon. Ang mga features ng wallet ay walang humpay na ina-upgrade at pinagaganda para sa mga gumagamit nito. 

Dahil sa pagpupursigi na makapagbigay ng top-quality na serbisyo sa mga tumatangkilik ng produktong ito, ang HB Wallet ay ang #1 wallet ngayon sa Japan. Ito rin ay nakatanggap ng parangal mula sa Blockchain Insight 2019 bilang “Most Valuable Wallet” noong January 2019 sa Hangzhou, China. 

 

 

HB Wallet Version 3.3

Ang HB Wallet at Simplex ay nag-collaborate upang ang mga gumagamit ng HB Wallet ay maari nang makapag-transact ng pagbili ng cryptocurrencies sa pamamagitan na mismo ng HB Wallet. 

 

Ang pagbili ng cryptocurrency gamit ang HB Wallet ay hindi tatagal ng higit 10 minuto. Kung mabilis ka naman, maari mo itong maggawa kahit limang minuto lamang. Kailangan mo lamang mag-download ng wallet kung wala ka pa nito. Kung meron ka naman na, pumunta ka lamang sa main interface at i-click mo ang “buy crypto” at lalabas na ang mga katanungan na dapat mong i-fill in. 

 

Pagkatapos mong ilagay ang iyong KYC o know your customer details ay maghihintay ka lamang ng mga hanggang 10 minuto at darating na ang iyong biniling crypto. 



Ano Ang Mga Available Na Cryptocurrency Na Maari Kong Mabili?

Ang mga cryptocurrency na maari mong mabili sa HB Wallet Version 3.3 ay Ethereum (ETH), Bitcoin (BTC), at Ripple (XRP).

 

Paano Magbabayad Kapag Sa HB Wallet Bumili Ng Cryptocurrency?

Kapag ikaw ay bumili ng crypto gamit ang HB Wallet, maari mong gamitin ang iyong debit card o credit card. 

Ang mga debit at credit card na maari mong gamiting ay Visa, Master Card, JCB, at American Express. 

 

 

Mag-disenyo Ng Sariling Token Card Sa HB Wallet


 

Ang isa pang kaabang-abang sa HB Wallet version 3.3 ay maari mong gawan ng sarili mong disenyo ang iyong token. Ang mga disenyo ay manggagaling sa’yo! 

Hindi ba’t nakaka-enganyo talaga?

Ang pagkakaroon mo ng sariling token card ay makakatulong na mas makilala ang iyong token o brand. Maari mong i-organize ang iyong tokens gamit ang iba’t-ibang disenyo.

Kung nais mong subukan ito, pumunta ka lamang sa setting ng HB Desktop Wallet at i-click ang Add Custom Token pagkatapos ay Register Token Card at mag fill-in ng sagot sa mga katanungan doon. 

Maghintay ka lamang hanggang sa makatanggap ka na ng confirmation mula sa HB Wallet at mayroon ka nang customized token!

 

May Mga Bansa Ba Na Restricted Pa Na Gamitin Ang HB Wallet Version 3.3.

Kung ikaw ay galing sa mga lugar o bansa tulad ng Afghanistan, Bosnia and Herzegovina, Region of Crimea, Cuba, Iran, Iraq, Democratic People’s Republic of Korea, Lap People’s Democratic Republic, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Syrian Arab Republic, Trinidad and Tobago, Tunisia, Uganda, Vanuatu, at Yemen, ito ay hindi pa maaring maggamit dito.

 

Sino Si Simplex?

 

 

Ang Simplex ay isang fintech company na sumisigurado na ang mga payment processings ay fraud-free. Ang kompanyang ito rin ay may mataas na track record ng excellence. 

Ang mga kilalang kompanya na ka-partner ng Simplex ay Binance, BitMart, KuCoin, Xapo, Coinflip, at marami pang iba. 

 

HB DApps

Ang HB Wallet rin ay nag-integrate ng mga decentralized applications games o mas kilala bilang DApps games. Ang mga DApps ay iba’t-ibang uri ng laro kung saan halos lahat ng games ay maari mong mapagkakitaan. Ang variety ng mga laro ay mula sa mga collecting games, trading games, action games, adventure games, sports games, at napakarami pang iba na maari mong mapagpilian. 

 

 

Nagemon Gacha Drop

 

 

Ang Nagemon Gacha Drop ay isang uri ng game kung saan maari kang manalo ng random na gift araw-araw. Ito ay handog ng Nagemon.com at HB Wallet sa mga manlalaro nito.

Ang bawat manlalaro na magnanais sumali sa Gacha Drop ay hindi na kakailanganin mag-isip kung may bayad ba ito dahil ito’y libre lamang. Tanging gas fee lamang ang kailangan bayaran na wala namang kataasan ang presyo. 

 

Ang manlalaro ay maaring manalo ng ETH at Monster Fossil tickets. 

 

 

Ang Monster Fossil tickets ay ginagamit sa larong Nagemon. Kada isang Nagemon Monster Fossil ticket ay katumbas ng isang turn upang i-operate ang Nagemon Machine. Sa kalaunan, kung ika’y maglalaro ng Nagemon, maari kang manalo ng ERC-721 tokens. 

 

HB Dex

 

Ang HB Dex ay ang decentralized exchange sa loob din mismo ng HB Wallet. Sa exchange ay maari kang mag-buy at sell ng crypto. 

Ang kagandahan ng pagkakaroon ng sariling exchange sa loob ng exchange ay hindi mo na kailangan pang magpalipat-lipat sa iba’t-ibang mga exchanges. 

 

 

Lahat na ng kailangan mo ay nasa loob ng wallet. Kaya’t tunay na kahanga-hanga ang wallet ng HB! Kung nais mong mag-download ng wallet na ito, i-click mo lamang ang link na ito at i-dadirect ka na nito mismo sa page kung saan maari kang mag-download. 

 

Ang HB Wallet ay available sa Mac, Windows, iOS, at Android. Ang wallet na ito ay FREE lamang! I-download mo na ang HB Wallet mo ngayon!