Blog

Paano Gamitin Ang HB Dex Sa HB Wallet?

Gusto mo ba magkaroon ng HB Wallet Infinity Tokens ngunit hindi alam kung paano makapag-trade sa HB DEX ng HB Wallet?

Paano Gamitin Ang HB Dex Sa HB Wallet?


Nagte-trade ka ba sa Binance, Huobi, Coins Pro, at iba pang mga kilalang centralize exchange?

 

Minsan ba ay na-imagine mong merong mga exchange na kahit walang nagkokontrol ay nagagawa nito ng tama ang bagay na dapat nitong gawin?

 

Gaya nalang ng mga kilalang decentralize exchange na IDEX, Stellar DEX o Waves DEX na patuloy ang paglaki ng volume o transaction sa mga ito.

 

Alam ng lahat kung gaano kahalaga ang pagiging isang decentralisado ng isang organisasyon kaya naman ay nag-release nadin ng sarili nitong decentralize o non-custodial exchange noong April 25, 2019 ang Binance na isa sa mga market leaders ng crypto exchanges sa mga nakalipas na taon.

 

Wag kang mag-alala dahil ngayon ay may mas pinadaling gamitin na decentralize exchange dahil kasama na ito sa mismong wallet ng HB Wallet at hindi mo na kailangan pang maglabas pasok sa iba’t-ibang applications para ma-link lang ang iyong account patungo sa decentralize exchange dahil nandito na ang HB DEX.

 

PAANO MAG-TRADE SA HB DEX?

 

Una sa lahat ay dapat na mayroon ka munang HB Wallet upang ma-access ang HB DEX, kaya’t kung wala pa ay i-click lamang ang link at pumili ng operating system na aangkop sa gagamitin mong platform.

 

Pagtapos mai-download ang HB Wallet ay makikita sa picture sa ibaba ang pinaka homepage ng HB Wallet at nakasaad kung saan dapat pumunta upang ma-access ang HB DEX.

 

 

Pagkatapos mong mai-click ang HB DEX ay mapupunta kana sa homepage ng mismong HB DEX na makikita sa ibaba.

 

 

Lahat ng aktibidad sa nasabing HB DEX ay makikita dito at ang lahat ng trading pairs kung saan mo maipapalit ang iyong Ethereum papunta ng ibang token o cryptocurrency.

 

Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat malaman dito ay ang WETH o ang Unwrap Ethereum.

 

Kailangan na mai-convert muna ang iyong ETH papunta ng WETH upang maging compatible ito na mai-trade ng iba pang ERC-20 tokens na available sa isang decentralize exchange.

 

Makikita sa ibaba ang kasalukuyang bilang ng aking ETH at WETH na nasa aking HB Wallet account.

 

 

Tumuloy lang sa pagbabasa at ituturo ko sa iyo kung paano mag-trade sa HB DEX.

 

Sa blog na ito ay gagawin nating halimbawa ang HB Wallet Infinity Token kaya’t i-click lamang ito gaya ng instructions sa ibaba.

 

 

Pagkatapos ay i-click lamang ang “new order tab” upang makapunta sa order page.

 

 

Sa upper-right ay makikita ang kasalukuyang presyo, pinakamataas at pinakamababang presyo na napuntahan ng HB Wallet Infinity Token sa nakaraang 24 hours at ang total na volume nito.

 

Sa gawing kaliwa naman ay kung saan mo ilalagay ang unit ng HB Wallet Infinity Token na gusto mong bilhin sa HB DEX.

 

 

Ngayon ay maglalagay na tayo ng unit upang makapagpapalit na ng WETH papunta ng HB Wallet Infinity Token.

 

Gaya ng sinabi ko kanina ay dapat na parehas ang current price sa price na iyong ilalagay sa buy tab ng order page ng WETH.

 

 

Kung ikaw ay sang-ayon na sa total na WETH na magagastos mo ay i-click lamang “place buy/sell order” at may lalabas isa pang confirmation tab at i-click lamang ang “make”.

 

 

Pagkatapos ay makikita mo ang pending na transaction sa “My History” kaya’t congrats dahil hihintayin mo nalang na ma-process ang transaction at paparating na ang iyong HB Wallet Infinity Token.

 

 

Hoping na may natutunan kayo sa simpleng blog na ito, ngunit kung may mga iba pa kayong katanungan ay wag mag dalawang-isip na magsend ng inquiry ticket sa support ng HB Wallet.