Blog

Mga Tanong At Kasagutan Tungkol Sa Legality, Privacy, At Digital Asset Security Ng DApps

Alamin ang sagot sa mga madalas na tanong tungkol sa DApps.

Mga Tanong At Kasagutan Tungkol Sa Legality, Privacy, At Digital Asset Security Ng DApps


Sa mga lumipas na panahon, onti-onting nakilala ng mundo ang mga blockchain platforms tulad ng Ethereum at EOS. Nang dahil sa teknolohiya na ito ay nabuo ang mga decentralized applications (DApps). 

 

Kabaliktaran ng mga apps na madalas mong makikita sa iyong smartphone, ang DApps ay isang platform kung saan walang individual entity ang nagmamayari. 

 

Ang DApps din ay mga advantages na ipinamamahagi na hindi matatagpuan sa karamihan ng common apps tulad ng reliability at censorship resistance. 

 

Pero dahil hindi pa masyadong popular ang paggamit ng DApps, nakakaconfuse itong gamitin sa simula. 

 

Halina't sagutin natin ang mga madalas na tanong tungkol sa legality, privacy, at digital asset security ng DApps. 

Legal Ba Ang Paggamit Ng DApps?

Bago pa man naimbento ang blockchain technology, mayroon ng mga decentralized apps sa pamamagitan ng mga peer-to-peer platforms tulad ng BitTorrent at TOR browser. 

 

Nang maging popular ang mga cryptocurrencies tulad ng Bitcoin, agad-agad na napagtanto ng mga developers ang iba't ibang potential nito. 

 

Sa ngayon ay madami na ding gamit ang DApps subalit matuturing pa din ito na nasa infancy stage. Dahil dito ay madami pa ding mga bansa na mas ginugustong hindi isama sa mga regulasyon nila ang DApps. 

 

Hindi pa gaanong pinaguusapan ang legality ng DApps ngunit kahit na ganun ay mayroon na ding mga gobyerno na sinisimulan nang maging bukas palad sa mga digital currencies.

 

Mayroon ding common belief na ang cryptocurrencies ay illegal subalit kung pagbabasehan natin ang statistics ay makikita natin na mayroon lamang 4% na mga bansa sa buong na mundo na itinuturing ito na illegal. Ang ibig sabihin ay legal na ang cryptocurrencies sa 96% ng mundo. 

 

Karamihan ng mga bansa ay hindi pinagbabawalan ang mga tao na gumamit ng cryptocurrency. Isa ding dapat mong malaman tungkol sa DApps ay hindi naman sa lahat ng panahon kinakailangan mo gamitin ang digital currency ng DApps na iyon. 

 

Isang halimbawa na doon ang Brave Browser. Sa DApps na ito ay mayroong tinatawag na Basic Attention Token (BAT). Isa lang itong option para sa mga users pero hindi naman mandatory na gamitin talaga itong ng lahat ng users ng browser na ito. 

 

Mayroon ding mga DApps na kailangan mong gumamit ng digital currency para lubos mong mapakinabangan ang app. Isa na dito ang HB Wallet kung saan pwede ka makareceive at magsend ng mga Ethereum-based digital assets. 

 

Pwede ka din maglaro ng mga DApps games kung saan pwede pang madagdagan ang iyong digital currency kapag mahusay ka nang maglaro. 

 

Kahit na kakailanganin mo gumamit ng cryptocurrency dito ay hindi pa naman dumaan ng legal scrutiny ang paggamit ng Ethereum at iba pang crypto-based assets sa mga plataporma tulad ng HB Wallet. 

 

Papaano Ba Winiwithdraw Ang Token Balance Bilang Fiat? 

Kapag nakasanayan mo na ang paglaro ng DApps games ay madali nalang makapanalo ng tokens o di kaya ng mismong cryptocurrency. 

 

Kung ang DApps na ginagamit mo ay isang cryptocurrency exchange o di kaya ay may feature na katulad nito, kakailanganin mong i-verify ang iyong KYC (Know Your Customer) process. Kapag na verify na ng exchange ang iyong information, madali mo nalang maiitrade ang iyong holdings sa iba pang tokens o di kaya ay fiat currency. 

 

Kailangan Ba Magbayad Ng Taxes Para Sa Mga Crypto Na Napapanalunan Sa DApps?

Mayroon mga bansa na nirerequire ang kanilang mga citizens na magbayad ng taxes. Subalit nakadepende na ito sa kung anong regulations ang meron sa lugar kung nasaan ka ngayon. 

 

Dito naman sa Pilipinas ay hindi na kinakailangan mag-file ng taxes para sa mga tokens o cryptocurrency na napapanalunan mo sa DApps. Subalit maaring magkaroon ng regulation kung tungkol na ito sa pagiging cryptocurrency holder. 

 

Safe Ba Ang Impormasyon Mo Sa DApps?

Dahil ang DApps ay nag-rurun sa blockchain, hindi vulnerable ang data sa isang single point of failure kung ikukumpara sa ibang centralized applications. 

 

Ang data na iniistore sa blockchain ay ensured ng mga cryptographic verification methods tulad ng Zero Knowledge Proof (ZKP). 

 

Ang ZKP ay isang cryptographic verification method na nagbibigay security at privacy sa mga transactions. 

 

Sa method na ito ay maaring patunayan ng isang prover sa verifier ang tungkol sa isang partikular na information kahit na hindi nia ipamahagi ang mga information na ito.