Blog

Mga Paraan Para Kumita Sa Ethereum DApps

Maraming paraan para pagkakitaan ang mga Ethereum DApps

Mga Paraan Para Kumita Sa Ethereum DApps


Isa sa mga panibagong teknolohiya ng blockchain ay ang Ethereum DApps (Decentralized Apps). Malakas ang potential nito sapagkat kahit patuloy pa itong dinidevelop ay marami ka nang pwede gawin. 

 

Isa sa mga pwedeng gawin ay ang pagkita ng pera. 

 

Para sa mga gumagamit ng Ethereum DApps, eto ang mga paraan para ikaw ay kumita. 

 

Sumali Sa Mga Prediction Markets

Isang halimbawa ng prediction markets ay ang Augur. 

Ito ay isang decentralized application na tumatakbo sa Ethereum kung saan pwede mong i-stake ang crypto para makapaggawa ng iyong predictions.

 

Ang mga prediction ay pwedeng maging tungkol sa kung sino ang mananalo sa susunod na election, presyo ng isang individual cryptocurrency, o di kaya ay protection sa mga posible na disaster.  

 

Paglaro Ng DApps Games

Mayroong mga apps tulad ng HB Wallet kung saan pwede ka maglaro ng mga DApps game. 

 

Sa panahon ngayon ay marami nang plataporma na magagamit sa paglalaro ng games. Ngunit ang kagandahan sa DApps games ay habang ikaw ay naglalaro ay maari ka ding kumita ng pera. 

 

Maraming paraan para gawin ito. 

 

Isa na dito ay ang pagpanalo ng mga battles. Kapag ikaw ay nanalo ay maari kang makatanggap ng rewards na kapag naipon mo ay pwede mong i-konvert sa Ethereum. 

 

Ang pinakamadalas na ginagawa ng mga manlalaro ay ang pagpapalakas ng kanilang mga game characters. 

 

Magagawa mo ito sa pamamagitan ng patuloy na pakikisali sa mga digmaan. Habang tumataas ang level at experience point ng iyong character ay mas tumataas ang value nito. 

 

Ang isang halimbawa nito ay ang CryptoKitties na mayroong isang kitty na nagkakahalaga ng 600 ETH o $170,000. 

 

Pagbenta Ng Mga Produkto At Services Online

Sa panahon ngayon ay masyado nang mataas ang transaction fees sa mga bangko. Kaya kapag ikaw ay mayroong gustong ibenta, mas maganda na gamitin ang Ethereum DApps bilang payment method.

Makakatipid ka sa bayarin at bukod pa rito ay instant ang pagdating ng pera. 

 

Dahil ang iyong pera ay nasa Ethereum wallet na ay pwede ding tumaas ang halaga nito nang hindi mo namamalayan. 

 

Bukod rito ay onti-onti mo na ding matutunan kung papaano mag invest sa mga cryptocurrency kung saan malaki ang potential na dumoble ang iyong pera. 

 

Papaano naman ang mga tao na mahilig gumawa ng mga DApps games? Siyempre, marami ding paraan para sila ay kumita. 

 

Narito ang mga paraan:

 

Pagkuha Ng Percentage Sa Marketplace Transaction Fee

Sa mga DApps games na tulad ng ChibiFighters o di kaya CryptantCrab ay kailangan bumili ng mga players ng mga characters para sila ay makapaglaro. 

 

Ang pwedeng gawin ng isang developer para pagkakitaan ang ang kanyang DApps ay kumuha ng percentage sa mga bayad na natatanggap kapag may player na ibinebenta ang kaniyang character sa marketplace. 

 

Pwedeng 20 percent ay mapupunta sa wallet ng developer habang ang iba ay mapupunta sa kung sino man ang nagbenta ng character na iyon. 

Pag Advertise Sa Mga Companies

Kapag ang isang developer ng DApps ay nakagawa ng isang successful at popular na game ay pwede siyang kumita sa pamamagitan ng pag advertise sa mga companies na gustong i-expand ang kanilang audience reach. 

 

Pag Kuha Ng Donations

Mayroong mga DApps games na humihingi ng mga donation upang ma-maintain ang kanilang DApps game. 

 

Pwede mag add ang developer ng ETH button sa homepage ng kaniyang DApps para makapagdonate ang mga users ng partikular na amount. 

 

Ginagawa din ito ng ibang DApps tulad ng CryptoCare na ang primary focus ay sa pagbigay ng donation sa mga charity programs. 

 

Ang mga players ay pwede mangolekto ng cute characters na sinisymobolize ang mga social impact works na kinabibilangan nito. 

 

Magdodonate ang player ng amount na gusto nia at may porsyento na mapupunta sa organization habang ang matitira ay mapupunta naman sa CryptoCare.