Blog

Mas Magfofocus Na Ang Kik Sa Cryptocurrency 

Hindi na magshushutdown ang Kik. Sa makatwid ay mas magfofocus na ito sa cryptocurrency na Kin.

Mas Magfofocus Na Ang Kik Sa Cryptocurrency 


Ang mga nakaraan na linggo ay hindi naging madali para sa Kik na isa sa mga mahuhusay messaging service sa industriya. Noong September ay inannounce ng company na sila ay magshushutdown na. 

 

Ang Kik CEO na si Ted Livingston ay nagsabi din sa isang blog post na ittrim down nila ang kanilang team. Kung dati ay mayroon silang 100 na employees, ngayong naman ay magiiiwan nalang sila ng 19 na tao. Lahat ng ito ay nangyari pagkatapos nilang makilaban sa SEC ng higit isang taon. 

 

Subalit nitong nakaraan ay nagpost ang Kik sa Twitter kung saan sinabi nila na hindi na pala matutuloy ang pagsara ng company. Sa makatwid ay mayroon pang mga panibagong updates sa Kik na tiyak na ikakatuwa ng mga users. 

 

Noong October 7 naman ay nag tweet din si Ted Livingston Kung saan sinabi nilang:

 

“Some exciting news: we may have found a home for Kik! We just signed an LOI [letter of intent] with a great company. They want to buy the app, continue growing it for our millions of users, and take the Kin integration to the next level. Not a done deal yet, but could be a great win-win. More soon.”

 

Bukod pa rito ay nag announce ng din ang executive ng Kik na ngayon ay mas magfofocus na ang team sa kanilang cryptocurrency na tinatawag na Kin. 

 

Sabi ni Livingston na kahit pa may mangyari sa Kik, nandito pa rin daw ang Kin na tiyak na mananatili sa pangmatagalan na panahon. 

 

Ano Nga Ba Ang Kin?

Bukod sa messaging service na pinoprovide ng Kik, nahimasok din sila sa mundo ng cryptocurrency. Ang kanilang cryptocurrency na tinatawag na Kin ay dalawang taon nang naninilbihan sa mga users. 

 

Ang Kin ay isang open at decentralized na infrastructure na ang nagpapatakbo ay mararaming companies. Isa itong cryptocurrency na ginagamit ng billions na users sa mga apps. 

 

Noong nakaraan ay nagkaroon ang Kik ng $100 million ICO raise para sa Kik at ito ang naging main issue ng company sa SEC. 

 

Sinulat ng SEC noong June na:

 

“The SEC charges that Kik sold the tokens to U.S. investors without registering their offer and sale as required by the U.S. securities laws.”

 

Ayon sa SEC na ang mga tokens na ginamit sa ICO ay mga financial assets na tinitrade ng company kahit na wala silang appropriate na permissions para gawin ang mga ito. Subalit ayon sa Kik ay hindi daw totoo ang mga allegasyon na ito. 

 

Binigyan ng SEC ng options ang Kik. Pwede nilang gawing security ang Kin o patuloy na makilaban sa SEC. Pinili ng Kik na ipatuloy ang discussion sapagkat kapag naging security ang KIN ay masisira ang usability ng cryptocurrency na ito. 

 

Sa kasalukuyan ay mag lolose muna ng profit ang company ng aabot sa 85%. Ayon sa Kik ay sapat na ito para makapasok ng trial ang company. 

 

Habang nagaganap ito ay mas mag fofocus muna sila sa pag enganyo sa mga tao ng gamitin ang Kin cryptocurrency. 

 

Wala pa masyadong impormasyong tungkol sa Kik subalit marami na ang nagccriticize sa kanilang mabilis na desisyon na magsara. 

 

Dahil dito nagkaroon ng decline sa mga users ng Kik at pati na din ng Kin. 

Makikita sa graph sa itaas ang pag decline sa paggamit ng Kin cryptocurrency.