Blog

Maglaro Na Ng HyperDragons Kung Saan Pwede Mo I-train At Pagkakitaan Ang Iyong Dragons

Mahilig ka din ba sa movies tulad ng How To Train Your Dragon? Kung ganun, tiyak na magugustuhan mo ang HyperDragons, isang DApps game kung saan pwede ka magcollect ang magtrain ng sarili mong dragons.

Maglaro Na Ng HyperDragons Kung Saan Pwede Mo I-train At Pagkakitaan Ang Iyong Dragons


Marami sa atin ang fans ng mga animated movies tulad ng How To Train Your Dragon pero papaano kung sabihin ko sayo na tulad ni Hiccup ay pwede ka na din mag-train ng sarili mong dragon. Hindi lang yun. Maari mo ding ipadala ang iyong mga dragons sa mga Castle War at iba't ibang events sa arena. 

 

Ayon sa Siyensiya, hindi totoo ang mga fire-breathing dragon na nakikita natin sa TV. Gayunman ay nagiging posible ang pag train ng dragons sa pamamagitan ng HyperDragons. 

Ano Nga Ba Ang HyperDragons?



Ang HyperDragons ay isang DApps game na available ngayon laruin sa HB Wallet. Sa larong ito ay pwede kang mag-acquire ng mga dragon na crypto collectibles. 

 

Kung hindi mo masyado nagegets kung ano ang ibig sabihin ng crypto collectibles, imaginin mo nalang ang mga deck cards na madalas pagkaguluhan ng mga kabataan noong panahon. 

 

Parang ganun din ang mga crypto collectibles. Ang pagkakaiba lang ay ang mga crypto collectibles na ito ay naka imprint sa blockchain at hindi na sa papel. 

 

Ang HyperDragons ay parang advanced deck card game. Bukod sa pagiging collectible, ito din ang kauna unahang dragon collectible kung saan pwede mong i-send sa mga actual battle ang iyong mga dragon at kung saan tumataas ang kanilang level base sa number ng battles na kanilang napuntahan, kasama na din ang mga battles na kanilang naipanalo. 

 

Ano Ano Ang Mga Pwedeng Gawin Sa HyperDragons?

Ang pinakauna niyong dapat malaman tungkol sa HyperDragons ay ang mga characters na nabibili dito ay ERC-721 tokens. 

 

Ibig sabihin ang mga ito ay pasok sa NFT (Non-fungible token) market. Bawat dragon ay unique hindi lang sa panlabas na anyo nito kundi pati na din sa mga strengths at iba pa nitong characteristics. 

 

Isa ito sa mga dahilan kung bakit kinokonsider na valuable assets ang bawat isa sa mga HyperDragons. 

 

Habang lumalakas ang iyong HyperDragon ay mas lalong tumataas ang value nito. Ibig sabihin ay pwede mo itong pagkakitaan sa pamamagitan ng pagbenta ng iyong dragon sa marketplace. 

 

Bukod pa roon ay eto ang iba-ibang bagay na pwede mong gawin kapag ikaw ay naglaro ng HyperDragons:

 

 

  • Mag-Breed Pa Ng Iba Pang HyperDragons

 

Sa panahon ngayon, kailangan mo bumili ng iba't ibang items para lubos na maenjoy ang game na nilalaro mo. 

 

Pero sa HyperDragons, habang nageenjoy ka sa paglalaro ay may pagkakataon ka na kumita. Tulad nalang ng sabi ko kanina, pwede mong ibenta ang iyong HyperDragon sa marketplace at dahil pwede mong i-breed ang iyong mga dragon, mas madami kang dragons na pwedeng pagkakitaan. 

 

 

  • Pagcocompete Sa Iba Pang Dragons

 

Malaki ang magiging involvement mo sa game sapagkat pwede kang makipag duel sa iba pang players. 

 

Kailangan mo lang buuin ang iyong dragon squad at pagkatapos nun ay pwede ka nang pumili ng iyong magiging opponent. 

 

Nagiging mas masaya ang game kapag engaged ka sa iba pang mga manlalaro. 

 

 

  • Recreational Game

 

Kung hindi mo hilig ang pakikipaglaban at pag-breed ng dragons, pwede ka pa din sumali sa game sa pamamagitan ng prediction game mode. 

 

Sa game mode na ito ay huhulaan mo kung sino ang mananalo sa battle arena. Kapag tama ang iyong sagot ay makakareceive ka ng rewards. 

 

DST, Ang In-Game Currency Ng HyperDragons

Pwede mong gamitin ang iyong ETH sa paglalaro sa HyperDragons subalit mas magastos ito kumpara sa pag gamit ng DST na siyang in-game currency ng laro na ito. 

 

Mga Perks Ng Paggamit Ng DST

Isa sa kagandahan ng DST ay convertible ito sa ETH. Ibig sabihin ay kapag nanalo ka ng DST sa mga pag-eengage mo sa arena at castle wars ay pwede mo itong ipunin at i-convert sa ETH

 

Bukod sa maari mo itong pagkakitaan, makakatipid ka din kapag kinonvert mo muna ang iyong ETH sa DST bago mo ito gamitin sa game. 

 

Sa kasalukuyan ay nasa phase 1 palang ang HyperDragons. Nangangahulugan ito na marami pang mga pagbabago at benepisyo na hihintayin ang mga manlalaro. 

 

Sa ngayon, atin munang palakasin ang mga dragon natin upang sila ay maging handa sa pagharap sa mga new challenges na darating pag tapos ng phase 2 ng game.