Blog

Loom Network: Bakit Importante Ito Para Sa Ethereum?

Ang Loom Network na ba ang susi sa tagumpay ng blockchain ng Ethereum?

Loom Network: Bakit Importante Ito Para Sa Ethereum?


 

Ang manlalaro ng mga desentralisadong laro o mas kilala sa tawag Dapps ay siguradong hindi gusto ang lagay ng kasalukuyang sistema ngayon kung paano ito tumatakbo.

 

Sa napakalaking transaction fee na dapat mong bayaran sa bawat aktibidad na iyong ginagawa ay hindi naman talaga nakakatuwa.

 

Taong 2017 nga ng magkaproblema ang blockchain ng Ethereum dahil sa bilyon-bilyong transaction na naka-pending sa blockchain na inaabot ng araw at linggo bago ito ma-verify ng mga miners.

 

Malaking transaction fee din ang  kinailangang bayaran upang siguraduhin na ang transaction mo ay uunahin ng mga miners dahil sa malaking reward na iyong ibibigay.

 

Kung ito ay iyong nasaksihan, may mga aktibidad kang gagawin na mas mataas pa ang iyong transaction fee kaysa sa iyong ipapadala.

 

 

Dito na nga nabuo ang Loom Network Alliance, isang alyansa upang mapunan ang problema ng iba’t-ibang blockchain lalong-lalo na ang blockchain ng Ethereum.

 

Nalilimitahan ang galaw ng iba’t-ibang Dapp developers sa kakayahan na kayang gawin ng Ethereum blockchain dahil sa mababa nitong transaction per second (TPS).

 

ANO ANG LOOM NETWORK?

 

 

Ang Loom Network ay isang next-generation blockchain o mas kilala sa tawag na sidechains o child chains. Magbibigay daan ito para sa mga blockchain na mapabilis ang transaction at mapababa ang gastos sa bawat transaction katulad ng Ethereum na nagkakaproblema sa mabilis na transaction dahil sa dami ng users at mga applications na nakapaloob dito.

 

Gumawa ang Loom Network ng sarili nitong Layer 2 blockchain na tinatawag nilang PlasmaChain at ito ay naka-konekta sa main blockchain ng Ethereum.

 

ANO ANG PLASMACHAIN?

 

 

Ang PlasmaChain ang sentro sa lahat ng planong ginagawa ng team sa likod ng Loom Network ngayon.

 

Ito ang magiging tulay upang maisakatuparang ng Loom Network ang plano nilang makonekta ang iba’t-ibang blockchains sa industriya.

 

Mission ng buong team na maging universal layer 2 sidechain ang PlasmaChain at dahil sa nakapagandang incentive structure nito na kayang kumita ng isang delegator ng halos 20% per year sa kanyang naka-stake na LOOM tokens.

 

 

Kapag na-integrate na ng team ang LOOM staking sa iba pang major crypto wallets tulad ng Cobo Wallet, Trezor, TrustWallet at imToken ay siguradong mas tataas ang adoption rate at seguridad nadin ng buong PlasmaChain.

 

PAANO ITO GUMAGANA?

 

Isang magandang example dito ang Lightning Network na ngayon ay sobrang laki ng naitulong sa blockchain ng Bitcoin.

 

Gaya ng nangyari sa Ethereum ay naging overloaded din ang blockchain ng Bitcoin noong taong 2017, kung saan ay sobrang bilis at dami ng transaction na nangyayari sa blockchain nito dahil sa biglang dami ng mga tao na nag-iinvest dito dahil sa hype na nangyari sa taong sumikat ang mga Initial Coin Offerings o mas kilala sa tawag na ICOs.

 

Naka-konekta ang sidechain o child chain na tulad ng Lightning Network sa main blockchain ng Bitcoin na tumutulong sa pag-process ng mga transaction na may maliit lamang na halaga.

 

(Isang magandang halimbawa ang picture na makikita sa ibaba)

 

 

Naka-focus ang mga sidechains sa maliliit na transaction na ginagawa sa main blockchain at upang hindi ito ma-overload ay pinapadaan na ito sa mga sidechains na siyang dahilan upang hindi na problemahin pa ito ng main blockchain ng Bitcoin at ma-leverage ang trabaho nito.

 

Ganito din ang trabahong ginagampanan ng Loom Network sa blockchain ng Ethereum ngunit dahil sa napakaraming Dapps ang mayroon sa Ethereum, mas binibigyan nila ito ng focus dahil malaking porsyento ng transaction na nangyayari sa blockchain ng Ethereum ay galing sa mga Dapps.

 

ADVANTAGES & DISADVANTAGES

 

 

Lahat ng bagay ay may cost pati ang benepisyong maidadagdag ng mga sidechains.

 

Ang karagdagang transaction per second o abilidad na mas mapalawak ang sakop na users at mapadami ang applications sa blockchain at may kaakibat na kapalit pagdating sa privacy o di kaya naman ay sa seguridad ng buong blockchain kung saan ito naka-konekta.

 

Isa pang karagdagang benepisyo at risk ng mga sidechains ay ang pagkakaroon nito ng sariling incentive scheme tulad nalang ng Ethereum na gumagamit ng Proof-of-Work (PoW) sa kasalukuyan at ang PlasmaChain ng Loom Network ay gumagamit naman ng Delegated Proof-of-Stake (DPoS) kaya’t kung ikaw ay makakabili ng kanilang token ay mayroon kanang pwedeng pagkunan ng passive income.

 

ROADMAP 2019

 

 

Ang main focus ng team ng Loom Network ay ang magandang pagpapatakbo ng kanilang PlasmaChain o Loom Mainnet.

 

“Our goal is to make PlasmaChain one of the most widely used blockchains in existence.” - Loom Network

 

INTEROPERABILITY

 

Isa sa mission ng Loom Network na magkaroon ng connection ang iba’t-ibang malalaking blockchain Dapp sources tulad ng Ethereum, TRON, EOS at Cosmos at maging isang multi-chain network.

 

 

Kapag nangyari ito, isa ang Loom Network sa siguradong mangunguna sa industry ng blockchain dahil sa pagbibigay nito ng connection sa isa’t-isa at dahil dito ay magkakaroon ng network effects na siyang magbibigay daan para mahirap ng makapenetrate pa ng market share ang mga bagong blockchain na uusbong sa mga susunod pang taon at maging standard ang blockchain ng Ethereum, TRON, EOS at Cosmos sa iba’t-ibang kumpanya at developers na gagawa ng kanilang mga desentralisadong applications.

 

Bakit ka nga ba naman gagawa ng isang Dapp na pwede lang magamit sa iisang blockchain at kung pwede naman na gumawa ng one-coded na Dapp pero pwedeng makapag-transact sa iba pang major blockchains na meron ngayon?


Kung ang isang blockchain palang ay sumusunod na sa tinatawag na Metcalfe’s Law, papano pa kung lahat ng major blockchain ay kaya mong mapagsama-sama?

 

 

Network effects ang magiging dahilan kung bakit magiging solid ang foundation nito dahil wala ng makakapigil pa kapag dumami na ang users. Higit sa lahat, marami ang nagtutulungan dahil, kahit mapa-Ethereum, TRON at EOS man ang blockchain na iyong gagamitin ay sigurado pa ding mapapakinabangan mo ito bilang isang Dapp user o developer.

 

MATUTO MAG-CODE HABANG NAG-EENJOY

 

 

Ang Cryptozombies ang isa sa pinaka siguradong magugustuhan niyong proyekto ng Loom Network Team dahil bukod sa matututo ka nang mag-code gamit ang programming language ng Ethereum na Solidity, ay mag-eenjoy kapa dahil sa napaka-creative na paraan ng pagkakagawa dito.

 

Ang course ay ginawa talaga para sa mga baguhan sa language na Solidity at talagang magsisimula ka from scratch. Kaya’t kung hindi mo pa na-try minsan na mag-code ay wag kang mag-alala dahil Cryptozombies na ang bahala sayo dito.

 

May kasama pa itong mga rewards at bonuses sa tuwing may matatapos kang lessons dito. Ang pinakamaganda pa sa lahat ay libre lang ito.


Noong August ay ini-release na ang pinakahihintay na Cryptozombies Season 2 na mas pina-astig ang design at mas inayos ang course tracks upang hindi ka malito sa mga courses na gusto mong pag-aralan.

 

FUTURE NG BLOCKCHAIN

 

 

Ngayong alam mo na kung paano gumagana ang buong Loom Network at kung ano ang nais nitong gawin ay siguradong na-eexcite kana sa kahihinatnan ng mga blockchain at lalong-lalo na ang estado ng mga Dapp sa mga susunod na taon.

 

Hindi ba’t mas masarap maglaro at mag-explore ng mga applications kung wala kang binabayarang mga fees sa mga aktibidad na ginagawa mo?

 

Tulad nalang ng ginagawa natin sa mga traditional na applications na meron tayo ngayon. Kapag hindi mo na gusto ang isang application ay pwede mo nalang itong burahin at kahit ilang post kapa ng mga pictures mo sa Facebook, Twitter at iba pang social media ay okay lang dahil wala ka namang binabayaran na mga fees sa bawat post mo dito.

 

Sobrang makaka-lamang padin sa ngayon yung mga taong may alam at experience kung paano nagbago ang sistema ng blockchain at kung saan ito nagmula.