Blog

I-sali Na Ang Iyong Pambatong Pony Sa Larong BitPonies

Halina’t alamin kung bakit dapat mong laruin ang BitPonies at ano pa ang mga kaabang-abang sa larong ito.

I-sali Na Ang Iyong Pambatong Pony Sa Larong BitPonies


Ano Ang BitPonies?

 

Ang BitPonies ay isang uri ng DApps game kung saan ang mga manlalaro ay may pagkakataong mag-collect ng mga cute na ponies, sumali sa mga karera, at kumita ng pera sa 

pamamagitan ng pakikipag-trade sa iba pang manlalaro.

 

Paano Laruin Ang BitPonies?

 

 

Pag-collect:

 

Ang mga ponies ay kagiliw-giliw kolektahin sapagkat ang mga ito ay mayroong unique na characteristics. Ibig sabihin, walang dalawang ponies ang maaring maging 100% na magka-pareho. Bawat isang pony ay may sariling lakas, galing, at itsura. 

 

Pag-breed:

 

Maliban sa unique na characteristics na taglay ng bawat ponies, ang mga ito rin ay maaring paramihin sa pamamagitan ng pag-bbreed sa mga ito. 

 

Ang mga ma-bbreed ng bawat manlalaro ay mga bago ring ponies na maaring magkaroon ng iba’t-ibang level ng galing at lakas.

 

Pagsali sa karera:

 

 

Ang mga alagang ponies na nasa collection ng manlalaro ay maari rin isali sa mga karera, kung saan makikipaglaban ang mga ito sa mga alagang ponies ng iba pang manlalaro. 



Paano Kikita Sa Larong BitPonies?

 

 

Ang mga manlalaro ay maaring kumita sa pamamagitan ng pag-sell ng kanilang mga BitPonies sa marketplace. 

 

Ang mga BitPonies na i-ssell ay maaring bilhin ng mga iba pang manlalaro. Ang presyo ng mga ponies ay dedepende sa desisyon ng mga may-ari nito. Maaring ibenta ito ng mura o mas mahal, depende sa diskarte ng manlalaro. 

 

Dahil maaring ma-ibenta ang mga ponies, ang pinakamagandang strategy ay ang magpa-dami ng mga BitPonies sa pamamagitan ng pag-bbreed.

 

Dapat din tandaan ng mga manlalaro na mag-enjoy lang sa paglalaro dahil habang tumataas ang ranking ng kanilang  BitPonies character ay mas tumataas din ang presyo nito sa market!



Saan Maaring Laruin Ang BitPonies?

 

 

May Iba’t-ibang paraan kung paano magkakaroon ng access sa larong BitPonies. Ngunit, kung gagamitin ang ibang paraan ay maaring mas mahaba pang proseso ang kakailanganin gawin ng manlalaro. 

 

Dahil dito, ang wallet na aking sasabihin ay hindi na kakailanganin ng marami at mahaba pang proseso. 

 

Ang HB Wallet ay ang #1 wallet ngayon sa Japan, kung saan ang DApps games ay kasalukuyang sikat na sikat.  Sa HB Wallet pwede na i-store ng mga manlalaro ang mga digital currency na kanilang maiipon at mapapanalunan. 

 

Pagkatapos na ma-idownload ng manlalaro ang HB Wallet, dapat nila malaman na hindi nila maari makalimutan ang kanilang  public keys at private keys dahil ito ay ang magsisilbing user id at password nila. 



Public keys: ito ay ang magsisilbing user id 

 

Private keys: ito ay ang magsisilbing password 



Kapag naggawa na nilang mag-download ng HB Wallet, i-cclick lang ng manlalaro ang console na sign at i-ddirect na sila nito agad sa mga iba pang DApps games na available sa wallet. Doon na rin nila mahahanap ang BitPonies. Isang click lamang at makakapaglaro na kaagad. 

 

Hindi ba at mas convenient na sa isang wallet ka na lamang maglalaro at mag-sstore ng iyong Ethereum? 

 

Ang HB Wallet rin ay available sa Windows, Android, iOS, at Mac.



Racing

 

Sa ngayon, ang BitPonies Racing ay hindi pa available upang laruin. Ngunit, maari nang bumili ang mga manlalaro ng BitPonies sa marketplace at mag-collect ng kanilang ponies. Ang mga Generation 0 ay ang magiging napaka-mahal na uri ng ponies sa future, kaya’t ito ang dapat i-prioritize na bilhin. 

 

Dahil hindi pa maaring maglaro ng racing ang mga ponies, ito na rin ang pinakamagandang panahon upang bumili. Sa ngayon, kapag bibisita ang mga manlalaro sa marketplace makikita nilang karamihan ng mga ponies ay nasa murang halaga pa.