Blog

Flower Patch RPG: Ang Panibagong Farmville

Ang Flower Patch RPG ay isang in-development DApps kung saan pwede ka mangolekta ng flower cards at mag-breed ng mga panibagong flowers.

Flower Patch RPG: Ang Panibagong Farmville


Nahiligan mo din ba ang paglaro ng Farmville? Ngayon ay mayroon ng panibagong game kung saan pwede kang mangolekta ng mga flower cards crypto collectibles. 

 

Ang Flower Patch RPG ay isang DApps (decentralized apps) game kung saan naitatala sa blockchain ang lahat ng activities ng game. 

 

Ang pagkakaiba ng larong ito sa Farmville ay ang decentralization. Sa Farmville, Facebook lamang ang pinaka central authority ng game. Dito naman sa Flower Patch RPG, walang middle man o central authority namamagitan sa activities ng game sapagkat tumatakbo ito sa blockchain. 

Ano Ang Mga Pwedeng Gawin Sa Flower Patch RPG

Unang lumabas ang Flower Patch RPG ngayong unang quarter ng 2019. Sa ngayon ay dinadagdagan pa ng features ang game. Kapag kompleto ang development ng game na ito ay mas magiging interactive at madadagdagan ang collaborative role playing experience ng mga players. 

 

Sa kasalukuyan ay pwede kang bumili at mangolekta ng flower crypto cards. Kapag mayroon ka nang dalawa ay maari ka ding mag-breed ng iba pang flowers para madagdagan ang iyong collection.


Pwede mo din i-edit ang status at condition ng mga flowers mo sa Strain Editor. 


Dahil ang mga flower cards na ito ay based sa ERC-20 tokens, mayroon ka ding tinatawag na digital ownership na ang ibig sabihin ay ang pag-aari mo sa mga flower cards na ito ay katulad din ng ownership sa real life. 

 

Hindi lang ito nag eexist online. Pwede mo din ipang trade or i-send ang mga flower cards mo sa ibang players. 

 

Mga Klase Ng Flower Cards

Ang mga flower cars ay nahahati sa iba't ibang kategorya base sa mga klase ng lupa na pwedeng itanim ang halaman. 

 

  • Soil 

Soil ang pinaka common na klase ng taniman. Karamihan ng mga halaman ay mas mabilis tumubo kapag tinatanim sila sa ganitong medium. Dahil dito, ang mga soil flower card types ay madalas mabigyan ng added bonus tulad ng above average yields at pest resistance. 

 

Subalit may mga klima na hindi akma para sa mga soil flower card types. Dahil dito, may mga pagkakataon na mabawasan ang iyong yields. 

 

  • Sand 

Ang sand ay isang harsh na environment para sa mga halaman. Dahil dito, makakaasa ka na ang mga sand flower card types ay mga malalakas na klase ng bulaklak. Sila ang mga klase ng halaman na kayang mabuhay kahit wala masyadong tubig. Sa katotohanan ay mas mabilis silang mag grow kapag nasa maaraw at mainit na environment. 

 

Dahil harsh ang environment ng mga sand flower card types, makakaasa ka na wala masyadong flower pests na dapat alahanin. Kapag bibili ka ng sand flower card type, siguraduhin lang na ilayo ito sa mga may malamig na klima sapagkat hindi sila nagtatagal sa mga ganitong klase ng environment. 

 

  • Rock 

Ang mga rock card types ay kalamitang nanggagaling sa mga matataas na bundok. Sa mga lugar na ganun ay malamig at kalamitan ay kulang sa oxygen. 

 

Sa mga bulubundukin din ay ang lugar kung saan ang mga pinakamatindi na weeds ay naninirahan. Dahil dito, masasabi na ang mga rock flower card types ay kayang mag survive kahit na maraming flower pests at weeds. 

 

  • Lava

May kasabihan na ang pinaka angelic na flower ay nahulog sa pinakailalim ng lupa at hanggang ngayon ay patuloy pa ding naggrow kasama ang mainit na lava. 

 

Ang mga lava flower card types ay kayang magsurvive sa mga maiinit na environment at magaling din itong labanan ang mga kasamaan na tulad ng mga matitindi na pests at weeds. Subalit kapat ito ay tinanim mo sa ibang soil types ay magiging mabagal ang growth nito. 

 

  • Water

Dahil kailangan ang water para tumubo at patuloy na mabuhay ang mga halaman, ang mga water flower card types ay ang may pinakamalaking yield sa lahat ng flower card types. 

 

Kapag bumili ka ng ganitong klase na card, kinakailangan mo itong diligan ng maraming beses. Hindi rin nito kayang mag survive sa mga environment na masyadong malamig.

 

Paano Nilalaro Ang Flower Patch RPG?

Isang paraan para makapaglaro ng Flower Patch RPG ay sa pag download pag install ng HB Wallet. 

 

Ang HB Wallet ay isang Ethereum multiplatform wallet kung saan pwede kang magsend at magreceive ng mga Ethereum-based digital assets tulad ng Ethereum, ERC-20, at pati na rin ERC-721 tokens. 

 

Bukod pa rito ay pwede ka ding gumamit ng mga DApps na sinusupport ng HB Wallet. Dahil ang HB Wallet ay nadodownload sa Windows at iOS, maari mong malaro ang mga DApps games tulad ng Flower Patch RPG gamit ang computer at mobile phone mo.