Blog

E-Sports: Modernong Kompetisyon At Libangan

Nais mo bang maging isa sa mga pinakamagagaling at kilalang E-sports player sa mga susunod na dekada?

E-Sports: Modernong Kompetisyon At Libangan


 

THE INTERNATIONAL 2019

 

Nabalitaan, napanood o isa ka ba sa mga manlalaro ng isa sa pinakamalaking E-sports event na ginanap nitong August 19, 2019 sa Mercedes-Benz Arena in Shanghai, China?

 

Ang dambuhalang event na hinost ng Valve Corporation, isang American video game developer, digital distribution company at ang gumawa ng sikat na larong Half Life at Counter-Strike ay inabangan hindi lang ng mga Filipino kundi pati ng buong mundo ay umani ng di bababa sa 1.1 milyon na viewers sa Twitch.tv, ang kapartner nitong livestreaming platform.

 


Sinong hindi mamamangha sa bagong record na naiset ng The International 2019 o mas kilala sa tawag na Ti9, dahil ang prize pool na siyang pinaghatian ng bawat manlalaro mula sa champion hanggang 18th place ay total na $34,300,000 at ang $15,614,201 (45.52%) ay mapupunta lamang sa magiging champion ng tournament.

 

 

Medyo napapaisip kana ba kung magbabago ka ng iyong career?

 

Sa panahon ngayon ay hindi na bago iyan dahil sino ba naman ang hindi magugustuhan na bukod sa nakakapaglaro at nag-eenjoy kana ay kumikita kapa ng limpak limpak at nakakapagbigay dangal ka pa sa iyong bansang inirerepresenta.

 

FILIPINO PRIDE: LUGAR NG MGA IMBA

 

 

Hindi man pinalad na manalo ang ating mga pambato mula sa team na TNC Predator, Fnatic at Mineski ay malaking dangal nadin na maging parte ng isang world breaking record na event na nangyari sa The International 2019.

 

Sobrang nakakamangha dahil kahit na hindi ganun kainit ang naging pagtanggap ng mga audience sa nasabing event ay naibigay padin ng ating mga pambato ang kanilang best upang umakyat ang ranking sa bracket ng mga team na kasali sa tournament.

 

ANG NAGPABAGO NG LAHAT

 

 

Ang paglalaro at pagla-livestreaming ng mga laro ay hindi pa ganun kasikat sa Pilipinas. Walang mga sponsorships at investment na natatanggap ang mga Philippine amateur E-sports team kahit pa sobrang dami na ng computer shops na naglipana sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

 

Taong 2016 ng makasama sa mga kalahok ng The International 2016 (Ti6) ang grupo ng TNC Pro Team at Execration sa tulong ng former senator na si Bam Aquino.

 

Ayon sa isang report na inilabas ng E-sports inquirer, ang miyembro ng dalawang team ay kumuha ng visa noong July 2016 pero umapela dito ang US Embassy dahil ang kinuha nilang visa ay B1/B2 na para lamang sa mga businessman at ang dapat nilang kinuha ay ang P1 visa na para sa mga athletes at entertainers.

 

 

Sulit lahat ng hirap na nangyari dahil hindi man sila ang nag-champion ay natalo naman nila ang powerhouse ng European team na OG na naging dahilan upang maging usap-usapan ang TNC Pro Team at marecognize ang lakas at bangis ng mga Filipino gamers sa buong mundo.

 

 

Dito na nga nagkaroon ng iba’t-ibang liga na binubuo ng iba’t-ibang kumpanya tulad ng Globe Philippine Pro Gaming League (PPGL), isang nationwide eSports tournament na kinocover ang Dota 2 sa desktop, Tekken 7 sa console at Arena of Valor sa smartphone at  ang The Nationals na nabuo noong June 2018 in partnership sa mga malalaking kumpanya tulad ng TheNet.com, HappyFeet Esports, BrenPro Inc., Cignal TV Inc., PLDT Inc. at STI Education Systems Holdings Inc.

 

“We would like Filipino gamers to experience an esports tournament like the PGGL to bring our competitive power and esports industry up to par with our powerhouse Asian neighbors.” - Jake San Diego, Globe Director for Games and eSports

 

POTENTIAL NG ESPORTS SA PILIPINAS

 

 

Ang Pilipinas ay may estimated na populasyon na di bababa sa 107,497,097 milyon at mayroong pagtaas taon-taon ng di bababa sa 1.1 milyon.

 

Ayon sa statistics na inirelease taong 2018 ng Index Mundi ay 56% ng ating kabuuang populasyon ay nasa teenagers at working stage na may median age na 24 years old para sa mga kababaihan at 23.1 year old para sa mga kalalakihan.

 

Ito ang target age ng gaming industry dahil kalimitan ay ito ang edad na kung saan ay puro kasiyahan at paglilibang lamang ang inaatupag.


Ayon sa report ng Statistica, umabot ng $146 milyon ang naging revenue sa mga video games nitong taong 2019 na tumaas ng halos 22.6 percent at ine-expect na magkakaroon ito ng growth rate na 12.1 percent at magkakaroon ng market volume na $231 milyon sa taong 2023.

 

SUSUNOD NA YUGTO NG MGA LARO

 

 

Pumunta naman tayo sa isang makabagong sistema ng paglalaro na kung saan ay hindi pa gaanong napapansin ngayon ng karamihan tulad nalang ng kung anong nangyari sa TNC bago nito matalo ang isang powerhouse team ng Europa noong 2016.

 

Ito ang tinatawag na DApps o Decentralize Applications, tinatanggal nito ang pagiging sentralisado ng mga organization na gumagawa ng mga events sa mga laro at nakakakuha din ng porsiyento sa bawat pondo na nalilikom na para sana sa mga manlalaro.

 

Ito ay tumatakbo sa makabagong teknolohiya na na-imbento noong 2009 na tinatawag na blockchain. Tinatanggal nito ang border sa bawat laro dahil hindi paman ito nagagawa ay isa ito sa mga balak na gawin para sa mga makabagong laro na uusbong sa mga susunod na taon at dekada.

 

Para mas maintindihan mo, isipin mo nalang ang gamit na iyong nabili sa Dota 2 at pwede mo ito magamit sa ibang laro tulad nalang ng Tekken 7.

 

Nakakamangha hindi ba?!

 

Bukod pa dito ay mas secure ang lahat ng data na ipinapasok mo sa nasabing laro tulad nalang ng iyong pangalan at credit card details na ginagamit mong pambili sa mga skin mo sa laro gaya ng Dota 2 at iba pa dahil walang third-party na kumpanya ang nangangasiwa dito.

 

 

Kaya’t isang malaking dagok man ito para sa mga mauuna na matuklasan ang makabagong sistema na ito ay kitang-kita naman kung saan din ito papunta.

 

DAPPS GAMES

 

Iba sa mga larong pwede mong ma-explore ay ang mga nasa ibaba.

 

Pumunta lamang sa kanilang website na aking isinama sa mga link sa ibaba upang mas malaman iba pang detalye tungkol sa mga laro:

 

GOD’S UNCHAINED: TRADING CARD GAME

 

 

Website: https://godsunchained.com

Twitter: https://twitter.com/godsunchained

Reddit: https://www.reddit.com/r/godsunchained

Discord: https://discordapp.com/invite/DKGr2pW

 

NAGEMON: NEXT ERA OF EARNING FROM GAMES

 

 

Website: https://nagemon.com

Twitter: https://twitter.com/Nagemon_Dapps

HB Wallet Community: https://profile.hb-chat.work/communityId/5bfb6565df125cc118e5a5fc

 

ETHEREMON: DECENTRALIZE GAME 3.0

 

 

Website: https://www.etheremon.com

Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCofiBCZvWbHFJRzKZixGfVw

Twitter: https://twitter.com/myetheremon

Facebook: https://www.facebook.com/etheremon

Telegram: https://t.me/myetheremon

Reddit: https://www.reddit.com/r/etheremon/

Discord: https://discordapp.com/invite/xgJpuzc

 

AXIE INFINITY: BATTLING FANTASY CREATURES

 

 

Website: https://axieinfinity.com

Medium: https://medium.com/@AxieInfinity

Reddit: https://www.reddit.com/r/AxieInfinity/

Discord: https://discordapp.com/invite/68DeTqc

 

ALL-IN-ONE WALLET

 

 

AWARDED AS ONE OF THE MOST VALUABLE WALLET NGAYONG 2019

 

Maraming mga wallets sa merkado ang pwede mong gamitin bukod sa HB Wallet na panglaro ng mga Dapp games ngunit ang maaari kong maipagmalaki ay bukod sa nabigyan ito ng parangal ay ito din ang No. 1 wallet sa Japan at mayroong higit sa 250K+ na downloads sa buong mundo.

 

Ang HB Wallet ay may built-in chat features, sariling desentralisadong NFT marketplace, exchange at abilidad na bumuo ng sarili mong community sa mismong mobile application at makilahok sa iba’t-ibang airdrops ng mga projects na kasapi sa community ng HB Wallet.

 

 

Maaari mo ng mai-download ang HB Wallet sa iyong laptop, tablet, desktop o smartphone at kasalukuyang suportado ng mga ito: iOS, Mac, Windows at Android.