Blog

“CRYPTO TOONS” Ang ENTERTOONMENT Sa Loob Ng Blockchain

Alamin kung paano mo malalaro ang pinaka-entertooning na laro sa loob ng blockchain ngayon.

“CRYPTO TOONS” Ang ENTERTOONMENT Sa Loob Ng Blockchain


Ano Ang Crypto Toons?

 

 

Ang Crypto Toons ay isang uri ng DApps game kung saan ang bawat nagnanais maglaro ay maaring kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-collect ng iba’t-ibang klase ng animal collectibles.  

 

Maliban sa paglalaro at pagkita ng pera, isa rin sa mga pangunahing layunin ng CRYPTO TOONS ay ang maipalaganap sa lahat ang importansya tungkol sa bagong teknolohiya na ngayon ay sikat na sikat sa buong mundo. Ang teknolohiyang ito ay tinatawag na Blockchain.

 

Ang CRYPTO TOONS at ang iba pang uri ng DApps games ay under ng blockchain. Sa teknolohiyang ito rin under ang mga digital currencies na maaring matanggap  ng bawat manlalaro sa DApps games. 



Paano Laruin Ang CRYPTO TOONS?

 

 

Madali lang laruin ang Crypto Toons  sapagkat hindi na kailangan ng maraming adventures at mga fighting scenes na madalas makikita sa karaniwang laro. Napakadali nito na kahit ang mga maliliit na bata ay maeenganyong maglaro. 

 

Ang kailangan lamang gawin ay makakolekta ang bawat manlalaro ng kanilang mga collectible animals. Ang mga collectible animals na ito ay mayroong unique na itsura tulad ng kulay, hugis, at mix. 

 

Ang maganda pa sa larong ito ay unique ang bawat isang animal collectible. Dahil dito, maaring mag-breed ang bawat manlalaro ng kanilang mga  sariling collectible upang makabuo ng marami pang uri ng mga uri nito. 

 

Ang mga animal collectible na makokolekta ay maari namang ibenta ng may-ari sa pamamagitan ng pakikipag-trade nito sa iba pang manlalaro ng CRYPTO TOONS. 

 

Paano Kikita Sa Larong CRYPTO TOONS?

 

 

Ang larong CRYPTO TOONS ay gumagamit ng digital currencies o cryptocurrencies. Ang mga crypto na matatanggap ay maaring gamitin bilang pang-trade sa crypto o di kaya naman ay i-convert ito sa cash ng mga manlalaro. 

 

Maaring makipag-trade ang bawat manlalaro sa mga kapwa nila manlalaro. 

 

CRYPTO TOON Bilang ENTERTOONMENT

 

 

Ang mga collectibles sa loob ng CRYPTO TOON  ay inihahalintualad sa salitang “entertainment” sapagkat ito ay dinesenyo sa mga anyo na tiyak na tiyak na kagigiliwan ng bawat manlalaro. 

 

Saan Maaring Maglaro ng CRYPTO TOONS?

 

May iba’t-ibang paraan upang makapag-download at maglaro ng CRYPTO TOONS. Ngunit, ang iba ay nag-rerequire ng iba’t-ibang wallet addresses at passwords. 

 

Ito ay higit na hassle kumpara sa HB Wallet, ang #1 sa wallet sa Japan, kung saan ang mismong game ay nasa iisang wallet na lamang.

 

 Dahil dito, kung ano ang username at password na gamit ng manlalaro sa kanyang  wallet ay siya na ring gagamitin nito sa mga laro na kanyang nanaisin gaya ng CRYPTO TOONS. 

 

Napakarami ding mga games ang maari pagpilian sa HB Wallet gaya ng mga adventure games, auction games, trading, collecting, sports, at marami pang iba. 



HB Wallet




Ang HB Wallet ay ang #1 wallet ngayon sa Japan, kung saan ang DApps games ay kasalukuyang sikat na sikat.  Sa HB Wallet pwede mong i-store ang mga digital currency na maiipon at mapapanalunan mo. 



Setting Up HB Wallet

 

 

Ang pag-download ng application ay napakadali lamang. I-click mo lamang ang link na ito at ikaw ay i-ddirect na nito kaagad papaunta sa official website. 

Desktop

Kung ikaw ay gumagamit ng desktop, ito ay available sa  Windows at Mac. 

 

Mobile

 

Kung ikaw ay gumagamit ng mobile phone ito din ay available sa  iOS and Android.

 

Pagkatapos mong mag-download ng HB Wallet, huwag mong kakalimutan ang iyong public keys at private keys  dahil ito ay ang magsisilbing user id at password mo. 



Public keys: ito ay ang magsisilbing user id 

 

Private keys: ito ay ang magsisilbing password