Blog

BlockCities: Ano Na Ang Kasalukuyang Nangyayari Dito?

Kasalukuyang binalik sa development mode ang DApps game na BlockCities. Alamin kung bakit sa article na ito.

BlockCities: Ano Na Ang Kasalukuyang Nangyayari Dito?


Naalala mo pa ba ang mga sikat na games sa Facebook tulad ng Cityville dati? Nagbabalik na muli ang mga larong paborito mong laruin dati. 

 

Ang pagkakaiba lang ay hindi na ito eksaktong katulad ng dati. Ang pinakauna nitong pagbabago ay hindi mo na ito matatagpuan sa Facebook kundi sa mga Ethereum wallet tulad ng HB Wallet. Ang tawag sa mga ganitong games ay DApps o decentralized applications. 

Sa pamamagitan ng paggamit ng HB Wallet ay magkakaroon ka ng platform kung saan pwede ka makareceive at magsend ng Ethereum-based digital assets tulad ng Ether at NFT (non-fungible tokens). 

Bukod pa rito ay magkakaroon ka ng easy at all-in-one access sa mga paborita mong DApps na tulad ng BlockCities na siyang paguusapan natin sa article na ito.

 

Ano Nga Ba Ang BlockCities?

Ang BlockCities ay isang DApps game kung saan pwedeng i-exercise ng mga players ang kanilang imahinasyon at creativity sa pamamagitan ng build at pag design ng sarili nilang buildings. 

 

Bukod pa rito ay maari din silang makipagtrade ng buildings sa iba pang mga players. Isa itong game na nababagay sa mga tao na mahilig sa architecture at design, pati na rin ang mga fans ng city-creation games. 

 

Ano Ang Pwedeng Gawin Sa Game Na Ito?

Sa BlockCities, ang pinakamain goal ng game ay i-allow ang mga players na magbuild ng sarili nilang city sa pamamagitan ng pangongolekta ng iba't ibang buildings. 




Kapag ikaw ay nakaabot sa founder collection era, magkakaroon ka ng pagkakataon na magkolekta ng buildings galing sa modern, mystery era,  at art deco era. 

 

Sa ngayon ay muling ibinalik ang BlockCities sa development mode. Ang ibig sabihin nito ay hindi ka muna pwedeng maglaro ng City Playground. 

 

Pagkalipas ng dalawang linggo ay maglalaunch ang developers ng demo mode kung saan magkakaroon ka ng chance na ma-testing ang game. 

 

Wala pang specific na date pero sinabi ni Preston Attebery na isa sa mga admins ng BlockCities na sa summer ilalaunch ang kabuuan ng game. 

 

Sa ngayon, ang pwedeng gawin ng players ay mangolekta ng buildings sa OpenSea. Tamang tama na pagnailabas na ang full version ng BlockCities magiging handa na ang players para buuin ang kanilang blockchain city. 



Mayroon ding tinatawag na Scavenger Hunt sa larong BlockCities. Sa ngayon ay nakashutdown dito habang hindi pa narerelease ang complete version ng game. Subalit kapag ito ay nailabas na ulit sa public ang mga players ay pwedeng sumali sa isang game kung saan kailangan nilang maidentify kung alin sa mga buildings na nakikita nila ang mystery building. 

 

Bibigyan sila ng mga hints at tips kung paano nila ito maaidentify pero dahil kailangan nilang makipagunahan sa iba pang players sa pagsagot pwede nila itong ikonsider bilang isang masaya at challenging na experience. 

 

Ano Ang Pinagkaiba Ng BlockCities Sa Crypto Kitties?

Marami ang nakakakita ng pagkakaparehas ng Crypto Kitties at BlockCities sapagkat pareho itong sikat na crypto collectibles game. 

 

Isa sa mga pagkakaiba nito ay ang range ng uniqueness. Sa Crypto Kitties, masasabi nating unique ang game sapagkat ang characters na maaring bilhin ng players ay based sa ERC-721 tokens. Bawa't isa sa mga Crypto Kitties are non-fungible at unique. 

 

Ganoon din naman sa BlockCities subalit sa game na ito nagfeafeature din ng iba't ibang environment. 

 

Ang BlockCities ay hindi lang tungkol sa pagkokolekta ng mga buildings. Kinokonek din nito ang players sa iba-ibang environment. Nag-gegenerate ito ng various landmark places sa bawat sulok ng mundo.