Blog

Bitsoccer: Mag-manage Ng Soccer Team At Kumita Ng Pera Gamit Ang Paglalaro Ng Online Game Na Ito

Alamin kung paano kikita ng pera sa pag-train, pag-trade, at pakikipag-compete sa mga kapwa manlalaro sa larong Bitsoccer.

Bitsoccer: Mag-manage Ng Soccer Team At Kumita Ng Pera Gamit Ang Paglalaro Ng Online Game Na Ito


Ang soccer ay ang isa sa pinakasikat na laro sa buong mundo. Libo-libong tao ang sumusuporta at nanonood ng FIFA World cup taon-taon. Ang iba ay kadalasang nanggagaling pa sa iba’t-ibang parte ng mundo. Patunay lamang na ang soccer ay tinatangkilik ng mga tao ano man ang lahi. 

 

Dahil dito, napakarami na ring mobile game ang nilabas na may konsepto na paglalaro ng soccer. Ang bilang ng mga game na ito rin ay hindi na mabilang. 

 

Ano ang BItsoccer?

 

 

Ang Bitsoccer ay isang online game kung saan ang manlalaro ay mag-mamanage ng kanyang sariling soccer team. Ang bawat team ay binubuo ng 11. Ang bawat isa ay maaring  i-trade, i-train, i-scout, o ilaban sa ibang mga soccer team ng mga magmamay-ari nito. 



Ang Bitsoccer ay ginawa sa ilalim ng Ethereum blockchain. Dahil dito,  makakasigurado ang bawat manlalaro na ang kanilang account ay secured. Lahat ng nangyayaring transaction ay transparent kaya’t madali nang ma-momonitor ng manalalaro ang lahat ng nangyayari sa kanyang laro. Ito ay maaring makita ng manlalaro sa Etherscan.io o sa ginagamit na wallet.



Ano Ang Mga Klase Ng Player Na Pwede Mong Laruin Sa Bitsoccer? 

 



Basic player: ito ang mga uri ng player na i-pprovide ng system sa’yo sa unang beses mo na  buo ng mga players. 

 

Star players or Stars: ito ay mga sikat na manlalaro. Sila ay may fixed na itsura at abilidad. Ang mga ito rin ay kadalasang magagaling na manlalaro. Sila ay available at ma-ppurchase mo sa ‘Market’ sa mismong game apllication.

 

Ordinary: ang mga manlalarong ito ay ang mga ‘common’ na players. Pero, huwag mag-alala dahil kapag ito ay pinurchase mo hindi naman imposibleng matalo din nito ang mga star players. May mga pagkakataon din na talagang natatalo ng mga ordinary players ang mga ibang klase ng players gaya ng basic at star. 





Ano Ang Makikita Ng Mga Manlalaro Kapag Nais Nila Bumili Ng Isang Character?

 

 

Name: bawat manlalaro ay ay kanya-kanyang pangalan. Madalas ang pangalan ay hango rin sa mga tunay na pangalan ng mga sikat na manlalaro ng soccer sa mundo. 

 

Apperance: ang appearance ay kahalintulad ng mga itsura ng totoong mga sikat na football players kaya naman nakaka-enganyo ang mag-collect ng mga ito.

 

Attack Ability: ang attack ability ay ang magsasabi ng taglay na lakas ng bawat character na maaring bilhin ng mga manlalaro.

 

Defensive ability: and defense ability naman ay ang magsasabi ng taglay na lakas ng isang character sa pag-depensa mula sa kanyang pwesto.

 

Stamina: ang stamina naman ang magsasabi kung gaano katagal ang endurance ng isang character sa paglalaro.

 

Preferred location: ang preferred location naman ang magbibigay ng guide sa mga manlalaro upang malaman kung saan nila dapat i-pwesto ang kanilang mga characters. 



Paano Lalaruin Ang Bitsoccer?

 

 

Para sa mga manlalro na magnanais subukan ang Bitsoccer, ang larong ito ay maaring laruin sa pamamagtan ng pag-collect, pakikipag-trade, at pag-mmanage ng isang grupo sa isang laro. 

 

Ang mga characters ay nakakatuwang i-collect dahil ang mga itsura nito ay hango sa mga tunay na manlalaro ng soccer mula sa iba’t-ibang bansa. 

 

Kung nais naman ng manlalaro na ilaban ang kanilang mga character collectibles sa game arena ay maari din naman. Ang kailangan lamang ay ma-ipwesto niya ang kanyang mga character kung saan tingin niya ay may malakas na potential ang mga ito na manalo sa game. 

 

Dahil ang manlalaro ay magsisilbing manager ng team, dapat ay kanyang masigurado na magiging strategic siya sa mga pwesto na kanyang paglalagyan ng kanyang mga characters upang mas malaki ang chance na manalo ang kanyang team. 



Ang mga characters na sa tingin naman ng manlalaro ay hindi niya pa kailangan o di kaya naman ay sobra ay maari niyang i-trade sa iba pang manlalaro. Ang mga character ay maari niyang i-sell sa marketplace. Sa marketplace rin siya maaring maghanap ng manlalaro na nais niyang idagdag sa kaniyang team. 

 

Saan Maaring Laruin Ang Bitsoccer?

 

 

Napakadali lang maglaro ng Bitsoccer, mayroon man alam ang manlalaro sa DApps o wala. Ito ay dahil mayroong isang application kung saan pwede kang maglaro nang hindi nangangailangan ng madami at mahabang proseso. 

 

HB Wallet, ang #1 wallet sa Japan, ay isang uri ng wallet kung saan ito ay nag-sstore ng mga ETH coins na ginagamit sa larong Bitsoccer. Sa wallet na ito na rin maari nang maglaro ang mga magnanais dahil maraming available games na ang makikita rito. Pipindutin lamang ng manlalaro ang console sign at i-ddirect na kaagad nito ang manlalaro sa mga games na available sa wallet.