Blog

Bakit Nakaka-akit laruin ang Fishbank?

Maging kampyon at manalo ng mga premyo sa paglalaro ng Fishbank gamit ang HB Wallet.

Bakit Nakaka-akit laruin ang Fishbank?


Ano ang mga dapat na malaman ng nagnanais maglaro ng Fishbank?

 

 

 

 

Ang mga nagnanais maglaro nang Fishbank ay kinakailangang magkaroon ng sarili nilang wallet application kung saan maari nilang i-store ang kanilang Ethereum coins. Ang Ethereum (ETH) coins ay isang uri ng digital currency na ginagamit sa larong ito. 

 

May iba’t-ibang paraan para makapaglaro nang Fisherbank. Ang iba ay maaring mag-download ng iba’t-ibang wallet para makapaglaro. Kadalasan ang mga paraan na ito ay medyo may kahabaan at karamihan ng proseso. Ngunit, meron din namang madali lang kung saan iisang wallet lang ang kakailanganin ng manlalaro. Isang wallet para mag-store nang kanilang crypto coins at isang wallet para sa paglalaro. 

 

Ang HB Wallet ay ang #1 wallet sa Japan ngayon. Sa wallet na ito ay maari nang makapaglaro ang manlalaro at i-store ang Ethereum coins. Gagawa lamang sila ng account at i-cclick ang dapps games at makakapaglaro na sila. 

 

Ang Fishbank ay isang uri ng DApps (Decentralized applications) game kung saan ang bawat nangyayari sa laro ay transparent sa lahat— mula sa paglalaro hanggang sa mga transakyon na mangyayari. Ang lahat ng nangyayari sa transaction ay maaring makita ng manlalaro sa Etherscan.io.

 

 

 

 

Ano ang kakaiba sa larong Fishbank?

 

Madalas sa ibang laro ay naka-focus lamang ito sa pag-ccollect at pag-ttrade ng mga character gamit ang pagbili sa mga characters. Ngunit, ang Fishbank ay naglagay ng kakaunting twist kung saan pupwedeng humuli ng isda ang manlalaro sa loob ng aquarium gamit ang hook o panungkit. 

 

Ang paghuli nagkakahalaga lamang ng 0.03 ETH. Sa murang halaga ay maari nang magkaroon ang manlalaro nang rare, epic, at legendary na uri nang isda. Tiyak na makasusulit na ang mga manlalaro dito sapagkat ang mga ganung uri nang isda ay mahal na kapag ibinenta sa marketplace. 

 

 

Paano laruin ang Fishbank?

 

Ang larong Fishbank ay may konsepto nang pag-ccollect, pag-ttrade, at pagsasali sa battle nang mga isda na makukuha nang manlalaro. Ito ay maaring makuha gamit ang pagbili nang mga isda sa marketplace o pag-catch ng mga isda. 

 

Pag-collect: Ang mga isdang makukuha nang mga manlalaro ay unique kaya’t wala itong kapareho na iba pang mga characters. 

 

 

 

Pag-trade: Ang bawat uri nang isda ay may iba’t-ibang halaga at lakas.  Ibig sabihin nito ay kapag may mas mataas na rank ng isang isda ay mas malaki ang chance na ito ay maibebenta nang mas mahal. Sa ngayon, ang may pinakamataas na value na isda ay may pangalang Scorepion. Ito ay may halagang 105.389 ETH o Php 1,585,200,000.

 

Battles: Sa bawat batlle ay maghaharap ang bawat isda at mag-ccompete ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapagalingan ng kanilang mga abilidad. 

 

 

 

Pag-catch: Kung hindi nais ng manlalaro na bumili sa marketplace ay pwede rin siyang sumali sa pag-catch ng mga isda gamit ang isang hook o panungkit. Ang kapana-panabik dito ay hindi malalaman ng manlalaro kung ano ang klase ng isda ang kanyang maaring makuha. 

 

 

 

Pag-send bilang gift: Ang mga isda ay maaring i-send ng mga manlalaro sa iba ano mang oras nila nanaisin. Tiyak na magugustuhan ito nang mga kaibigan sapagkat hindi lamang ito masayang laruin kundi magkakaroon pa sila ng unique na collectibles pwede nila i-collect o i-trade sa ibang tao. 

 

Anong maaring makita sa bawat isda?

 

 

 

Weight: Ito ay ang taglay na timbang ng mga isda. Ito lamang ang maaring magbago sa bawat isda. Ang power, agility, at speed ay hindi na maaring magbago.

 

Power: Ang power ay mahalaga sapagkat ito ang makakaapekto sa atake at depensa ng bawat isda

 

Agility: Ang ability naman ay importante sapagkat ito ay makakaapekto sa bilis ng bawat isda

 

Speed: Ang speed naman ay ang mag-ddetermine kung ang bawat isda ay mabagal o mabilis makarecover kada laban

 

Ano ang iba’t-ibang klase ng isda?

 

 

 

Common: Ang common na uri nang isda ay ang may pinakamaraming uri at kadalasan na pwedeng makuha.

 

Rare: Ang mga rare naman ay mas mataas na kakaunti at mas malalakas ng kaunti. 

 

Legendary: Ang mga legendary naman ay ang uri na ng malalakas at mahihirap na hanapin na isda. 

 

Top Legendary: Ang Top Legendary ay ang pinakamataas na rank ng isda. Ang ganitong uri ay ang pinakamahirap na makuha. Ito rin ay maaring maibenta ng manlalaro sa mataas na halaga. 



Modifiers

Gaya nang nasabi sa itaas, hindi na maaring magbago ang power, agility, at speed ng bawat isda. Ngunit maari naman itong makakuha ng modifiers kung saan maaring lumakas o bumilis ang bawat isda sa sandaling panahon. 

 

Ang bawat modifiers ay maari rin ma-isend bilang gift. 

 

Power Booster: Ang power booster ay maaring magpalawak ng parameter ng isda panandalian

 

Agility Booster: Ito ay maaring magpabilis pa sa isda sa sandaling panahon

 

Freezer: Sa tulong ng freezer ay maaring maprotektahan ang isda sa panandaliang panahon

 

Instant Attack: Ang instant attack ay makatutulong sa mga isda upang magkaroon ng mabilis na  cooldown period at mabilis na makaka-atake ulit ang isd

 

Extra Time: Ang extra time naman ay makatutulong sa mga isda na mapahaba ang epekto nang mga modifier na mayroon ito.

 

Chests

Sa mga chests maaring makuha ang mga modifiers. Ito ay may iba’t-ibang laki at ng mga ito. Ang laki rin ng mga chests ang mag-ddetermine ng dami ng modifies na maaring makuha ng manlalaro. 

 

 

 

Small Chests: 1 modifier

 

Medium Chests: 3 modifier

 

Large Chests: 5 modifier