Blog

Bakit kailangan mong subukan ang DApps?

Kung nag-iisip ka kung bakit patuloy na sumisikat ang DApps sa buong mundo at gusto mong maintindihan ito sa pinaka-simpleng paraan ituloy mo lang ang pagbasa.

Bakit kailangan mong subukan ang DApps?

DApps


Patuloy na ang pagtaas ng volume ng mga taong gustong gumamit ng Decentralized

applications o mas kilala bilang DApps.

 

Bakit kaya?

 

Ang DApps ay kapareho lamang ng mga application na meron tayo ngayon tulad ng playstore, Youtube, Twitter, Facebook, at marami pang iba.

 

Ngunit, ang pagkakaiba nito sa traditional na application ay tumatakbo ito sa ilalim ng isang technology na kung tawagin ay blockchain.

 

Blockchain

 

Ang blockchain ay isang rebolusyonaryong paraan kung saan ang control ay nasa mga consumer na. Nagulat ka ba? Sa tingin mo hindi ito maari? Ngayon, sasabihin ko sayo na walang hindi maabot ang teknolohiya.

 

Himayin ko ng kaunti, sa blockchain, hindi na kailangan ng middleman o yung pumapagitna pa. Halimbawa, nangutang ako ng pera sa kaibigan ko nagtatrabaho sa USA at kailangan na kailangan ko na ang pera ngayon, kaso may problema dahil weekend na at sarado ang mga bangko. San na ako pupunta?

 

Sa blockchain mayroon tayong tinatawag na mga cryptocurrencies o digital currencies. Sa pamamagitan nito maari nang magpadala ang kaibigan ko sa akin ng pera na ilang minuto lang at siguradong natanggap ko na ang pera. Wala nang 3 business days (ooops).

Alam mo ba ang maganda pa dito? Wala na akong kailangang tawagan pa na kung ano-anong hotline ng customer service na paghihintayin ako ng matagal, dahil lahat ng transaction ko ay decentralized o may transparency. Ibig sabihin, lahat ng nangyayari sa transaction ko ay makikita ko na. Wow ‘no?

 

(Totoo, nakakainis talaga ang tumawag ng tumawag sa telepono para lang i-update kung nakarating na ang pera sa account mo.)

 

Pwede mo ding i-explore ang website na ito at makikita mo dito ang lahat ng nangyaring transaction sa nasabing blockchain ng Ethereum kasama ang address kung kanino ito nanggaling, magkano, at oras na nangyari ang nasabing transaction (tignan ang halimbawa sa ibaba).

 

 

 

Traditional applications versus Decentralized applications (DApps)

 

Ngunit, subalit, datapwat, gaya nga ng sinabi ko sa itaas, ang decentralized applications ay kapareho din ng mga traditional na applications natin. Ibig sabihin, hindi lang cryptocurrencies ang meron. Kung ang playstore ay may games, ang DApps din ay meron.

 

At sa DApps ay sigurado akong ma-eenganyo ka! Nung bata pa ako iniisip ko, sana lahat ng points, gold, at pera ko sa game na nilalaro ko pwede talagang maging pera. Siguro kung totoong pera ‘to ang yaman ko na.  Aba, aba, hindi ko akalain na mangyayari ang pangarap ko sa totoong buhay.

 

Kumapit ka dahil tama ang iniisip mo, sa DApps totoong magkaka-pera ka gamit ang paglalaro at hindi masasayang ang oras mo. O ano game on? Game on, syempre!

 

Saan ako pwedeng makapaglaro ng DApp games?

 

Dude, pare, chong, momsh, sissy, mars, hindi na kita papahirapan. Alam ko naman excited ka na kung saan ka pupunta para sa games na kikita ka.

 

Ang HB Wallet ay isang Ethereum wallet kung saan mo pwedeng itago ang Ethereum cryptocurrency na iyong binili, mapapanalunan at ma-iipon sa DApps (kung ang fiat money mo ay may wallet, syempre ang digital currency mo din ay may wallet).

 

Alam naman natin na sobrang credible at maasahan ng mga taga-Japan pagdating sa technology di ‘ba?  Kaya syempre ang i-rerefer ko sa’yo ay ang #1 wallet sa Japan. Makakaasa ka na legit ‘to. (Thank me later *wink*)

 

Higit sa lahat, ang pinaka-amazing ay yung mismong game ay nasa loob na ng HB Wallet. Pipili ka nalang.

 

Paano ginagamit ang Ethereum?

 

Ang Ethereum ay ang digital na version ng pera. At ito ring ang pwede mong mapanalunan sa mga DApps games na lalaruin mo. Sa ngayon, kailangan mo pa itong i-convert sa fiat money or  cash na ginagamit natin ngayon. Pero, pagdating ng panahon, tiyak na ito na din ang magiging pambayad natin sa lahat ng bibilhin natin. Kung saan sa isang tap lang ay makakapagbayad ka na sa lahat ng bills mo.

 

Exciting talaga ‘to kaya sabay-sabay tayong maglaro at manalo, okay ba? Like and follow mo na rin ang Unblock.news para maging updated ka pa sa mga parating na articles!

 

Maari mo na rin i-download ang HB Wallet sa link na ito. Ito ay available na sa Windows, Android, iOS, at Mac.