Blog

Augur: Pagkakitaan Ang Iyong Prediksyon

Mapa-NBA o PBA finals, football, pulitika, stock market, cryptocurrency at iba pa.

Augur: Pagkakitaan Ang Iyong Prediksyon


Kung mahilig kang manood ng PBA ang kinaadikan ng masang Pilipino ay sigurado akong may alam ka sa tinatawag na “ending”.

 

Ito yung isa sa mga pinagkakakitaan ng ibang kabataan ngayon. Hahanap sila ng mga taong nanonood ng PBA at aalukin kung gusto nila tumaya ng 5 hanggang 20 pesos dipende sa reward na pwedeng mapanalunan ng mga tataya at mas madali ito kesa sa lotto dahil kailangan lang nilang hulaan ang huling digit ng dalawang team na maglalaban sa PBA at kapag ikaw ang nakataya sa kumbinasyon ng dalawang numero na iyon ay siguradong sayo ang nasabing premyo, andali diba?

 

ANO ANG AUGUR?

 

 

Ang Augur ay isang plataporma na kung saan ay pepwede kang makapag-create ng sarili mong tanong o tumaya sa mga tanong na ginawa din ng ibang mga user ng Augur.

 

Desentralisado ang plataporma ng Augur at konektado ito sa blockchain ng Ethereum na tumatakbo sa algorithm na Proof-of-Stake (POS) na kung saan ay nagsisilbing mga verifier ang mga Stakers upang maiwasan ang mga user na gumawa lang ng kung ano-anong mga tanong na mailalagay sa plataporma ng Augur.

 

Hindi pe-pwede ang loloko-loko sa Augur dahil ito ay may karampatang parusa at ganun din sa mga Stakers na hindi aktibo at mali-mali ang mga vine-verifiy na market.

 

Ang Augur ay may sariling currency na tinatawag na Reputation (REP) at ito ang kailangan ng mga gumagawa ng market at mga reporter na nagpapanatili ng kaayusan ng buong Augur.

 

Ginawa ang buong sistema nito upang mapanatili ang pagiging tapat at eksaktong pag-rereport kung ano nga ba ang talagang kinalabasan ng nakasaad sa prediksyon ng mga participants ng plataporma upang mai-pamahagi ng tama ang mga premyo nila.

 

PAANO AKO KIKITA SA AUGUR?

 

 

Ang pinakaunang paraan at pinakamadali ay ang mag-participate o tumaya sa mga merkado ng prediksyon at kapag tumama ang iyong predisyon ay sure na meron kikitain.

 

Tignan ang proseso sa ibaba:

 

 

I-click lang ang “Markets Tab” upang mapunta sa listahan ng mga prediction markets na pepwede kang mag-participate.

 

 

Kapag may napili kana ay i-click lang ang “Trade button”, sa ngayon ay sa tanong na “Who will Win the First Democratic Primary Debate” muna tayo mag-paparticipate.

 

 

Mag-scroll down lang kung hindi makita ang nasa picture.

 

Note: Ang gamit kong application sa pag-access ng Augur ay mismong HB Wallet na pepwede sa Windows, Mac, iOS at Android.

 

Isang malupit na tip ay bago ka pumili ng iyong pagtatayaan ay magsagawa muna ng sapat na research about dito upang mas malaki ang tsansa ng iyong pagkapanalo.

 

Sa halimbawa ko ay si Elizabeth Warren ang aking napili na mananalo sa darating na Democratic Primary Debate.

 

 

Sa dakong ito ay napag-pasyahan kong magtataya ako ng 0.01 shares sa market na ito sa halagang 0.2950 kada isang share.

 

Ikaw mismo ang maglalagay ng “Limit Price”, ngayon para iyong malaman kung magkano ang kasalukuyang “Limit Price” ay tignan lang ay naturang “Best Ask” sa row ng mga datos na nakalagay kay Elizabeth Warren at akin itong binilugan upang iyong makita at kung ating titignang mabuti ay 0.2950 ito.

 

Sa box naman na bandang ibaba ay makikita natin ang total shares na ating makukuha at kung titignan mabuti ay 0 shares ito, pero huwag mag-alala dahil naka-rounded off lang ito ng walang kahit na anong decimals kaya hindi natin ito makita pero atin itong makikita sa “Reporting Tab” na siyang datos ng pangkalahatang transaksyon na iyong ginawa sa platform ng Augur.

 

I-click lang ang Review kapag okay na para sayo ang lahat.

 

 

Maaring i-double check ang mga nasabing datos at makikita sa box sa ibaba ang iyong magiging potensiyal na profit kung sakaling ikaw ay magkamali sa iyong prediksyon at ang iyong magiging talo.


Kapag tapos kana sa pag-review ay i-click lang ang “Confirm Buy” sa ibaba.

 

 

Sa box ay makikita natin kung anong date magsisimula ang pag-rereport ng mga user na patungkol sa tunay na datos kung ano nga ba ang naging resulta ng nasabing event at pagkatapos nun ay saka madistribute ang rewards ng bawat user na nag-predik sa market na ito.

 

Pagtapos ulit i-review ay i-click lang ang Confirm upang tumuloy na sa pagbabayad ng transaksyon.

 

 

Isa ito sa pinakamahalagang bagay na dapat mong basahin dahil dito mo malalaman kung paano ka makakatipid sa transaction fee at ma-maximize ang profit bilang isang predictor ng Augur platform.

 

Sa pinakataas ng box ay ang Gas Price (GWEI) na dapat mong ilagay sa iyong transaction upang hindi tumagal na ma-proseso or ma-validate ng mga miners na nagsesecure ng network ng Ethereum.

 

Kung atin itong titignan ng mabuti ang 1 Standard ang nakalagay dito, so ibig sabihin ay ito ang pinakamababang Gas Price na pwede mong mailagay sa iyong transaction.

 

May mga oras na ang Standard Gas Price ay tumataas at minsan ay umaabot pa ito ng 20 Gas Price so ibig sabihin nun ay maraming gumagamit o nagta-transact sa blockchain ng Ethereum at bilang isang user tumataas din ang value ng transaction fee mo sa bawat aktibidad na iyong ginagawa sa Ethereum blockchain, imbis na sa 20 Gas Price na transaction fee ay pepwede mong magamit ito ng 5 o 10 na transaction ay isang beses mo lang nagagamit dahil overloaded ang Ethereum blockchain.

 

Kapag ganoon ang sitwasyon ay mas mabuting hintayin na bumaba ang Standard Gas Price ng Ethereum blockchain dahil mas malaki ang iyong matitipid at maari mo pa itong maipon na pangtaya sa iba pang prediksyon market na meron sa Augur platform.


Kung okay na sayo ang Standard Gas Price ay i-set lang ito sa nasabing transaction tab ng HB Wallet at i-click ang Send button at congrats, hihintayin mo nalang na ma-verify ito ng mga miners at papasok na ang iyong transaction.

 

 

Next na ating pag-uusapan ay ang pagke-create ng mga market na mapagtatayaan ng mga users ng Augur Platform.

 

Note: Dahil sa paparating na Augur v2 ay naka-hold muna ang pagke-create ng mga market hanggang Setyembre 15, 2019.

 

Meron tayong option bilang isang market creator na kumuha ng porsiyento sa mga shares na kanilang binibili o maging isang free market creator lamang.

 

 

Ngayon ay ang pagiging isang Augur shareholder naman.

 

Sa bawat market ng ginagawa ay merong mga tinatawag na Reporters, ito ang mga nagsisilbing miners ngunit hindi transaction ang kanilang bine-verify pero ang mismong market kung legit ba ito or isang gawa-gawang market lamang ng kung sino lang.

 

Ang malaking advantage ng isang Augur shareholder, staker o reporter ay malaki ang pepwede nilang kitain sa bawat verification na kanilang ginagawa dahil maraming user din ang nagpaparticipate at bawat isa dito ay nagbabayad ng reporting fees na siyang napupunta sa mga reporters ng bawat market.

 

Ang disadvantage naman ng pagiging isang reporter ay kung hindi ka aktibo at mali-mali ang pagrereport na iyong ginagawa ay maari kang ma-penalty o mawala ang buong funds na iyong ini-stake sa Augur platform kaya talagang namang masisiguro natin na bawat reporter ay talaga namang nag-coconduct din na kani-kanilang research upang ma-verify ng tama ang bawat market.

 

Napakaraming Pilipino ang talaga namang tumataya ng lotto na 1 in a million ang chance na manalo o makuha mo ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga numerong nabola ng PCSO at naglipana din ang mga casino na merong mga yumaman pero mas napakarami ang mga taong nawalan ng kontrol at nagawa pang mangutang para lang makabawi sa naging talo nila.

 

Kung titignang mabuti ay mas malaki ang tsansa ng isang user ng Augur na manalo kung mag-coconduct lang ng research ng mabuti at meron pang mga reporter na talagang namang makakasigurong honest dahil sa incentive scheme na inilatag sa platform ng Augur at ito ay automatic dahil hindi tao at mismong code, program o pure na matematiks ang talagang namang nagpapatakbo nito ng kusa.