Blog

Ano Ang ERC-998 Tokens?

Anong ang purpose at sino ang dapat na gumagamit nito?

Ano Ang ERC-998 Tokens?


Marahil ikaw ay nagtataka bakit mayroong iba’t-ibang standard ang mga tokens sa Ethereum blockchain.

 

Mayroong ERC-20, 721, 223 at ngayon naman ay 998.

 

Upang iyo itong maintindihan, amin itong hinimay mula sa pinaka-ugat upang maintindihan mo ito lalo na ang mga taong wala pang alam sa cryptoccurency.

 

 

ANO ANG ERC-998?

 

 

Bago natin i-talakay ang buong gamit ng ERC-998 tokens ay dapat mo munang malaman ang meaning ng ERC.

 

Ang meaning ng ERC ay Ethereum Request for Comments at ito ang nagsisilbing standard para sa iba’t-ibang gamit ng blockchain ng Ethereum.

 

Kahit sino ay pwedeng gumawa ng sarili nilang standard ngunit dapat nila itong maipaliwanag sa community bago nila ito masuportahan.

 

Ang ERC-998 ay isa sa mga standard na mayroon ang Ethereum at isa itong extension ng standard na ERC-721 na nagbigay daan upang madagdagan mo ng non-fungible tokens o mapagsama ang ilan mong mga ERC-721 tokens.

 

IBA PANG URI NG TOKENS

 

ERC20 - ito ang standard o origin ng lahat na ginagamit ng lahat ng Ethereum users. Ang mga token na ito ay fungible o mayroong pare-parehong value. Ito ang mga tokens na ginagamit natin pang-transact sa blockchain ng Ethereum.


ERC721 - ito ang mas kilala sa tawag na non-fungible tokens dahil bawat token ay may unique na itsura o representasyon at hindi pwede mahati sa dalawa o higit pa. Ito ang standard na ginagamit ng bawat CryptoKitties na iyong nabibili dahil bawat CryptoKitties ay iba-ibang mukha at rarity na nagpapabago ng kanyang value.

 

ERC1155 - isang feature na nagbibigay abilidad para sa mga smart contracts na ma-manage ang iba’t-ibang token standards. Pwede kang makapag-deloy nito na may pinaghalong fungible at non-fungible tokens o iba pa.

 

Ilan lamang ito sa mga token standard na mayroon ang Ethereum at dahil sa dali ng paggawa nito at open-source ang proyekto ay napakadali lang na makapag-propose basta’t may laman ang bagay na gusto mong magawa at makakatulong talaga para sa blockchain ng Ethereum.

 

GAMIT NG ERC-998

 

Ang advantage ng pagkakaroon ng protocol na ito pwede mo nang ma-compose ang iyong mga ERC-721 na digital assets.

 

(Tignan ang halimbawa sa picture sa ibaba)

 

 

Sa kasalukuyan, ang iyong mga CryptoKitties ay stable lamang sa current status nito at hndi mo pwedeng mabago ang itsura kapag wala ang ERC-998 token standard.

 

Binigyan nitong pagkakataon na ma-improve mo ang itsura ng iyong mga digital assets at mas mapalaki ang value nito.

 

PROYEKTONG SUMUSUPORTA SA ERC-998 TOKENS

 

 

Ito ang ilan sa mga blockchain projects na gumagamit ng ERC-998 token standard.

 

MOKENS

 

 

Ang Mokens ay platform na kung saan ay pwede kang makagawa ng sarili mong cryptocollectible tokens na mai-rerecord sa blockchain.

 

Website: https://mokens.io

Medium: https://medium.com/mokens

Twitter: https://twitter.com/mokens_io

Reddit: https://www.reddit.com/r/Mokens/

 

CAESAR’S TRIUMPH

 

 

Ang Caesar’s Triumph ay isang online blockchain-based strategy game na nagbibigay pagkakataon para sa mga manlalaro nito na makakolekta ng iba’t-ibang asset sa laro.

 

Website: https://www.caesarstriumph.com

Facebook: https://www.facebook.com/caesarstriumph/

Reddit: https://www.reddit.com/r/cryptorome/

Twitter: https://twitter.com/caesars_triumph