Blog

Ang Pinakahihintay Na Mga Laro Sa Blockchain Ngayong 2019

Alamin at kilalanin ang mga high-quality na larong hinihintay ng mga gamers na ire-release ngayon taong 2019.

Ang Pinakahihintay Na Mga Laro Sa Blockchain Ngayong 2019


 

PROJECT GENESIS: MASSIVE MULTIPLAYER ONLINE FIRST-PERSON SHOOTING

 

 

Isa sa pinaka-exciting na game na dapat abangan ay ang Project Genesis na isang MMOFPS (Massively Multiplayer Online First-Person Shooter) na laro.

 

Hindi mo iisipin na blockchain-based ang laro dahil ito ay purong 3D FPS / TPS na laro na gawa ng 8 Circuit Studios na ang pinaka-goal ng buong team nito ay ang baguhin ng tuluyan ang unang naging tingin ng mga manlalaro sa mga sinaunang mga blockchain-based na laro.

 

Ang pinakamaganda pa dito ay hindi mo na kailangan pang gumamit ng anumang third-party apps at wallet dahil meron na itong magiging sariling wallet at may abilidad ang mga manlalaro na gamitin ang kanilang credit card upang makabili ng Ethereum (ETH) na mapupunta sa sarili nitong wallet at meron din itong sariling salapi na tinatawag na “8BT Token” na magagamit mo hindi lang sa Project Genesis kundi pati nadin sa mga larong idedevelop ng 8 Circuit Studios.


Sa kasalukuyan ay tumatanggap padin sila ng mga early beta users kaya’t kung ikaw ay interesado ay i-click lang ang link na ito upang dumiretso sa kanilang website at i-click ang subscribe at mag-register (maari mo ding sundin ang picture sa ibaba).

 

 

Pepwede mo din panuorin ang mga videos na nakalink sa kanilang website upang makita ang pinaka-itsura ng nasabing laro.

 

THE ARENA: FIRST-PERSON SHOOTING

 

 

Nalaro mo na ba ang Counter-strike? Kung oo, ay dapat mo itong tignan.

 

Ang The Arena ay isa pa sa mga pinakamalupit na first-person shooting na laro na mare-release ngayong 2019.

 

Ang isa sa pinakamagandang feature nito ay ang abilidad mong kumita sa larong ito dahil habang mas lalo kang gumagaling ay mas marami kang in-game currency na makukuha na tinatawag nilang PVP.

 

Kaya’t kung marami kang nalarong mga first-person shooting game tulad nito ay isa itong malaking advantage para sayo kaya’t bisitahin lang ang kanilang website para sa iba pang impormasyon.

 

9 LIVES ARENA: ACTION-RPG

 

 

Isa ito sa mga talagang umattract ng atensiyon ng karamihan sa mga dati ng manlalaro ng blockchain-based na laro dahil ito ang matatawag nating uso ngayon.

 

Yung mga larong lumelevel-up, nakikipag-party sa ibang players, may mga loot na common at rare, diba?

 

Ang 9 Lives Arena ay isang action-RPG o role playing game na talaga namang siguradong kaadikan ng karamihan lalo na’t kung pagkakakitaan mo ito dahil ginawa ang laro na talaga namang sa mataas na kalidad at nakapalupit ng graphics kaya naman ng mag-announce ang developer ng laro ng pampublikong crowdfunding ay na-reach kaagad nila ang kanilang target sa unang araw palang ng pag-aannounce.

 

Ang sistema ng laro na meron ang 9 Lives Arena ay talaga namang napaka-unique dahil ang mga hero o karakter na makukuha mo dito ay hindi nagtatagal ay may napakaraming fighting skills at magic kaya talagang ma-eenjoy mo ito.

 

Maaring bisitahin ang kanilang official website para sa karagdagang impormasyon sa sistema ng laro.

 

GOD’S UNCHAINED: TRADING CARD GAME

 

 

Ito naman ang ating matatawag na gamer’s favorite at ang pinaka-popular sa lahat ng larong nabanggit.

 

Ang God’s Unchained ay isang trading card game na parang Yu-Gi-Oh na kinokonsidera na e-sports at magagamitan ng VR o Virtual Reality na teknolohiya kaya naman ay sobrang nakaka-excite na makita ang end results ng larong ito.

 

Isa ang project na ito sa may di maikumparang pangkalahatang benta at isa sa mga record holders.

 

Kung titignan ang kanilang roadmap ay talaga namang walang delay na nangyayari sa kasalukuyan kaya’t kung ikaw ay isa sa mga investor ng nasabing laro ay talagang masisiyahan ka.

 

Hanggang ngayon ay patuloy padin ang pagtangkilik ng karamihan lalo na sa mga bagong mga manlalaro palang ng blockchain-based games.

 

Kung ikaw ay interesado na malaman ang kabuuang sistema ng laro ay wag mahiyang bumisita sa kanilang official website upang makita ang kabuuang detalye.

 

ANG TAON NG BLOCKCHAIN-BASED NA MGA LARO

 

 

Marami ng manlalaro ang kumita sa mga nagdaang mga bersyon ng mga blockchain-based na mga laro na available sa merkado ngayon tulad nalang ng 0xUniverse, Etheremon, World of Ethers, Chibi Fighters at marami pang iba.

 

Kahit na ang iba dito ay nasa beta phase palang ay pepwede na nating malaro ito kahit sa mismong browser mo lang habang gumagamit ng Metamask o Dapper at ang pag-gamit ng iba pang app na may integrated na mga browser na sumusuporta sa mga ganitong klaseng laro tulad ng HB Wallet ay talagang sobrang nakaka-excite.

 

Patuloy ang research at development ng iba’t-ibang mga kumpanya sa mga blockchain-based na mga laro upang ito’y patuloy na gumanda, maging smooth, at magkaroon ng magagandang storya at ito na nga ang ipapakita ko sa inyo sa artikulong ito.