Blog

Ang 5 Pinakamalakas Na Etheremon Na Pwede Nang Mabili Ngayon

Meron kabang angkin na galing at pasensya na ma-train ang iyong Etheremon na mapasama sa limang pinakamalalakas at pinakamahal na Etheremon ngayon?

Ang 5 Pinakamalakas Na Etheremon Na Pwede Nang Mabili Ngayon


Nai-release ang larong Etheremon noong Disyembre 20, 2017 at sa halos dalawang taon na patuloy na pag-iimprove ng larong ito ay sobrang dami na ng mga bagong Etheremon na pwede nating makolekta ngayon.

 

Sobrang nakaka-excite nga at nakaka-inip dahil ang laro ay magagamit kasama ang makabagong teknolohiya ngayon na tinatawag na Virtual Reality (VR) at kapag nangyari nga ito ay siguradong mas na magiging makatotohanan ang bawat laban at karakter na iyong makikita sa laro.

 

Pero sa ngayon ay kalimutan muna natin iyon na parang nag-hohold ka lang ng iyong mga cryptocurrency investments dahil ngayon ay iisa-isahin natin ang mga Etheremon na talaga namang may value at patuloy pa sa pagtaas.

 

Ito ay ating binase sa kasalukuyan nitong Level, Battle Power (BP), Generation, Catch Number, Perfection Rate, at syempre, dapat ito ay kasalukuyang pwedeng mabili sa marketplace ng Etheremon kaya’t tara na at atin silang kilalanin isa-isa kung sino ba ang tunay na malakas at sobra kang makakatipid kapag iyo itong nakuha.

 

Top 1: “SwissOne.io” (Vernirox)

 

 

Ang nangunguna sa ating listahan ay si SwissOne.io na isang Vernirox.

 

Isa sa mga pinaka-nakakatuwa sa Etheremon na ito ay ang kaniyang Catch Number na 15 dahil nauungusan pa nito ang mga Etheremon na may mas mababang Catch Number. 

 

Note: Ang mga Etheremon na may mababang Catch Number ay higit na may mataas na value dahil kinikilala sila sa laro na parang isang pioneer o classic specie ng uri ito. Ang Top 3 na unang na-catch na specie ay makikitaan ng medalya na kasama kung pang-ilan ito sa sariling stat sheet na siyang nagpapatunay na nasa Top 3 nga ito.


Kung ating titignan naman ang stats ay talagang solve na solve kana dahil ang Perfection Rate nito ay 100% na ang ibig sabihin ay napuno niya ang kaniyang stats at hindi na kakailanganin pa ng isang owner na bumili ng mga item na magpapapuno nito, kaya naman ay para sakin ay higit pa sa 20 ETH ang dapat na mai-presyo sa Etheremon nito.

 

TOP 2: “dapps portal” (Quadrossal)

 

 

Kung ikaw ay kasalukuyan ng manlalaro ng Etheremon ay marahil ikaw ay nagtaka kung iyo ng nakita si dapps portal sa leaderboard dahil mas malakas pa sa kanya si Zedakazm_nike pero bakit napunta ito sa Top 2 imbis na Top 3?

 

Ituloy mo lang ang iyong pagbabasa upang iyo itong malaman.

 

Bibigyan kita ng konting spoiler, tignan mong mabuti ang level nitong Etheremon na ito.

 

Lahat ng nasa Top 5 ay nasa Level 100 na habang ito ay Level 99 palang at pepwede pang lumakas, tama?

 

Ngayon tignan mo naman ang Battle Power nito na 807 at pagkatapos ay tignan mo naman ang Battle Power ng ating Top 3 mamaya at malalaman mona kung bakit ito ang nasa Top 2.


Ngayon ay pagtuunan muna natin ng pansin ang Perfection Rate nito na 95.699%, malaki ang tsansa na kapag pumalo ang Etheremon na ito ng 100 ay ma-hit niya ang 100% at maaari pang mahigitan niya ang nasa Top 1 na si SwissOne.io, kaya’t sobrang nakakapanghinayang na ang selling price nito ay 3 ETH lang, dahil para sa akin ay dapat na pumalo ang presyo nito ng higit sa 5 o di bababa ng 10 ETH gayong may mas mataas itong Catch Number kumpara sa ating Top 1 at mas rare pa ito dahil 16 palang ang taong mayroon nito kumpara sa nasa Top 1 natin na 22 owners na ang nakakakuha.

 

TOP 3: “Zedakazm_nike” (Zedakazm)

 

 

Iyo nabang nakita kung bakit ito ang naging Top 3?

 

Ang article natin na ito ay patungkol sa lakas ng isang Etheremon kaya’t ito ang ating magiging Top 3 pagdating sa value ay may nakita naman tayong dahilan kung bakit valuable din ang Etheremon na ito.

 

Naalala mo ang note na inilagay ko sa taas kanina tungkol sa Catch Number?

 

Ang Etheremon na ito ay may Catch Number na pasok sa Top 3, kaya naman ay pagdating sa paghold at pangongolekta ng Etheremon ay higit na may mataas na value ito kumpara sa mga Etheremon na una nating ipinakita ngunit ang punto dito ay dipende padin sa bibili kung ano ba ang hinahanap niyang Etheremon na may value para sa kanya.


Pero para sakin, may mas value ang Etheremon na may lakas at mababang Catch Number, kaya ang Etheremon na ito sa tingin ko ay nasa tamang level lamang ng presyo o mas mataas pa ng bahagya.

 

TOP 4: “Lightning” (Quadrossal)

 

 

Ang Etheremon na ito ay kaparehas na specie ng ating Top 2 pero ang tanging pinagkaiba lamang ay napakababa ng stats na nage-gain nito sa bawat level kaya’t napakababa ng kaniyang Perfection Rate.

 

Isang magandang halimbawa din ito na dapat natin tignan ang bawat stats ng mga Etheremon na ating binibili at magkaroon ng sariling formula kung paano natin ma-cocompute ang future na lagay ng stats nito kapag naabot na nito ang kanyang max level dahil hindi lang Ethereum na gagamitin mong pambili ang pwedeng masayang dito kundi pati ang oras na iyong inilagak para laruin ito (Pero umabot ang Ethereum dati ng $1,200 kaya’t sulit nadin ito).

 

TOP 5: “Asuna’s Frost” (Siberizen)

 

 

Ito ang aking favorite sa lahat ngunit gaya ng sinabi ko kanina ay tungkol sa lakas ang ating pinagbabasihan sa article na ito kaya naman nasa pang-Top 5 lang itong si Asuna’s Frost.

 

May 3 forms ang Etheremon na ito kaya naman kung nakuha mo ito sa pinaka-una nitong form ay malabo na talagang hindi mo ito mapa-100% sa Perfection Rate dahil once na mareach mo ang pinaka-max level ng unang form ay magrereset ito sa Level 1 ngunit mare-retain nito ang lahat ng stats na nakuha nito sa pagpapalevel mo sa unang form palang.


Napaka-lupit ng Etheremon na ito kung ang purpose mo ay pang-koleksyon lamang dahil ito ang unang nailabas o na-catch na Siberizen sa buong Etheremon kaya naman ay tama lang nasa 10 ETH ang naging selling price nito o pwedeng humigit pa.

 

BAKIT KAILANGAN MONG IPAGPATULOY ANG ETHEREMON?

 

 

Napakaraming updates ang naghihintay sa Etheremon ngayon at kahit nasa Beta Phase palang ito ay patuloy na dumadagdag ang progress na nangyayari dito at gaya nga ng sinabi ko kanina ay sobrang game-changer kung mai-implement na ang Virtual Reality (VR) sa laro ng Etheremon.

 

Maigi na explorin at suriing mabuti ang maliliit na detalye na ibinibigay ng laro sayo upang mas ma-maximize ang returns kung gusto mo siyang pagkakitaan ngunit win-win situation padin para sayo kung ikaw ay mangongolekta lang ng mga Etheremons dahil once na ma-implement na ang mga parating na malulupit na features nito ay siguradong aakyat pa ang mga presyo ng iyong mga koleksyon dahil tataas ang pangkalahatang demand nito.

 

I-click lang ang link na ito, upang mapunta sa official na blog ng Etheremon upang maging updated sa nagiging progress nito.

 

Idagdag mo pa ang patuloy na developments na nangyayari sa blockchain mismo ng Ethereum at patuloy na pagbaba ng mga transaction fees na siyang mas magpapabilis ng activity rate ng bawat laro upang mapunan ang dami ng manlalaro na aktibo ngayon sa buong mundo.

 

Kung ikaw ay namomroblema sa plataporma na gagamitin ay wag ng mag-alala dahil ang HB Wallet ay official na sumusuporta sa Etheremon at pwede mo itong ma-download sa iba’t-ibang operating system gaya ng Windows, Mac, iOS at Android.